Dahil ipinanaganak akong inggitero at mahilig sumali sa kahit anong pakontes gaya ng palayuan ng ihi at pahabaan ng titi sigaw ng 'Meri Krismasssssssssssss' untill fade tuwing kapaskuhan, at dahil may angking hilig din ako sa pangongolekta ng basura ng tumbler na umiilaw, ng tuwalya at ng Choco camera, kaya naman wala akong kabalak balak sumali sa pakulo ni bulakbolero. As in wala, walang wala.......at wala ring akong ka-effort effort na magsama pa ng isang bulakbolero sa katauhan ni Ms. Bhing ng gumamela sa paraiso.
**********
The National Palace Museum, Taipei, Taiwan
Ang National Palace Museum ng Taiwan ay isang kilalang pasyalan na napapalibutan ng mga bundok sa gitna ng siyudad ng Taipei. Ito rin ay....
Pasensya nabitin, sosobra na kasi ng 140 characters. LOL!
Pasensya nabitin, sosobra na kasi ng 140 characters. LOL!
**********
At dahil nga naisama at kinulit ako ni ate Bhing na magbulakbol, wala na po nagawa ang inyong abang lingkod habang kinakaladkad sa gitna ng araw ang mura kong katawan na sing-fragile ng most fragile glass sa buong sangkalupaan, sangkaragatan at sangkalokohan. Naala ko pa ang usapan namin sa phone dati, parang ganito yun ate Charo....
Ms. Bhing: "Kelan Sho Shi(Rest Day) mo? Tara EB tayo!"
Ako: "Ate, mahirap akong kumbinsihin eh. Teka, pag-iisipan ko pa. (after 0.01 second)...Kelan ate! Ngayon na! Hindi ako nakaprepare."
Actually napostponed ang una naming plano nung May 10, dahil hindi ako pinayagan ng boss ko na magleave. Natuloy itong lakad namin nung May 22, ilang araw bago ang nakatakdang araw ng pababalik Pilipinas ni Ms. Bhing.
Isa ito sa di ko makakalimutang bulakbol sa buong OFW life ko, kasi ito rin yung time na nag-kain crash kami sa Bicol Association-Taipei chapter. Tumawa at nang-okray sa mga contestant sa isang pacontest ng isang disco bar sa Taipei. Nagpapicture sa isang kilalang University ng Taiwan. At dahil diyan....salamat sa iyo, Ms. Bhing sa oras at sandali na tayo'y nagkasama. It is indeed, one of the best memories that i'll gonna treasure for the rest my life.
**********
At the entrance of National Palace Museum Main Hall together with Ms. Bhing.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sobrang late na to. hehehe
Hahaha, hanggang OCT 29 pa kaya...
natatakot ka kuya empi kasi magiging mahigpit ang kalaban mo. lolz!
salamat sa pagbisita.
first time dito...ganda ng bahay mo..Good luck sa atin sa pakontes ni bulakBOLBOLero. :D
Salamat kuya AKONI sa pagdalaw.
Good luck din sa yo at follow na rin kita. :)
ayun oh sumali din!!!
oo, ate dala ng pangangailangan, lolz!
wow naman.. ang saya naman jan.. heheh..
good luck! :)
hangkulet lang/ pareho pala tayong nahilig sa choco cam? apir!
naaliw ako sa part na sinabi mong murang katawan. =) dami pala sumali ang kyut lavet!
sarap dyan. pagala naman. hehe. salamat sa pagsali. \m/