CHILLY NIGHTS presents HIGANTI (Ang Wakas)
Part 1 here.

Lalo siyang kinabahan at natakot...

Takot na lalo niyang ikinabahala. Takot na halos lumamon sa kanyang imahinasyon. Takot na lalong nagpalala ng di niya pagtulog. 



Lumipas ang ilang oras....



Nagulat siya ng marinig at makitang nagsusumigaw ang kanyang nanay pagbukas sa pintuan ng kanyang silid. Nakita rin niya ang kanyang sarili sa isang sulok sa isang di maipaliwanag na katayuan. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya mismo ang kanyang sarili habang siya'y nakatayo sa tabi bintana. Lalong hindi siya makapaniwala na makita ang sarili sa ganitong kalagayan. 




Habang umiiyak ang kanyang ina. Nakita niya ang dalawang maliliit na nilalang sa tabi ng isang video tape sa ibabaw ng mesa ng kanyang lampshade na may title na Snow White & the Seven Dwarfs goes Porn.




Bigla niyang naalala na pinanood niya ito nung isang araw habang ang kanyang ina ay nasa Quiapo upang humanap ng mga bagong labas na dibidi.

Doon niya nalaman na ito palang video tape na ito ay may kaakibat na sumpa. Sumpa na kapag pinanood ay titirik ang mga mata hanggang sa bumula ng puting likido ang iyong.....



ang iyong.........



ang iyong.......... 


.....bibig.



At doon niya napansin na unti unting lumalayo ang kanyang sarili sa eksenang umiiyak ang kanyang ina alas siyete na ng umaga.


-The End-




Disclaimer: Ang lahat ng lugar, pangalan at pangyayari ay pawang kathang isip lamang, kaya kung nabuwisit ka at di naaliw, pasensya ka blog ko to! ok! hehehe. Salamat sa inyong walang sawang pag-PG....ooopps, hindi po Patay Gutom, kundi Pagsubaybay at Gabay.


4 Responses
  1. empi Says:

    akala ko kung anong likido na iyon. Lol!


    katakot ang larawan! ano kaya kung yan ang sumusundo sayo e no? :D


  2. chino Says:

    hi rex, pwede ka na pala gumawa ng book eh hehehe. i followed you so i can visit you back


  3. iya_khin Says:

    takte!! binasa ko ang part 1 kala ko horror na, sumemplang ako ng mabasa ang snow white and the 7 dwarfs goes porn!!! letsugas! si salbehe may ganyan post din dati! ikaw na! sabunutan kita! ;P


  4. RHYCKZ Says:

    @EMPI, naku kuya, isasama kita kapag sinundo ako niyan.hehehe



    @CHINO, salamat pare, i'll followed you back!!!

    ingat



    @IYA, ate, wala kasi akong maisulat, kaya kung ano anu na lang na kahayupan at kamunduhan ang pumapasok sa utak ko. lolz! and besides napadaan kasi ako sa isang site na may palabas na snowhite X. hehehehe, kaya hayun dumumi ang sing linis ng batis kong pag-iisip. hehehe. Hindi ko pa nababasa yung post ni ate salbe, once,twice,trice lang ata ako nakadalaw ke ate eh.

    gandang gabi.


Blog Widget by LinkWithin