STRANGE UNIVERSITY NAME
Since wala sa Top 400 Ranking of the World Universities ang alinman sa sikat na unibersidad sa Pilipinas. At walang pakialam ang gobyerno natin dito. At patuloy ang usapin tungkol budget cut para sa mga SUC institution. At patuloy rin ang planking protest ng ilang estudyante at ilang gupo. Halina't mag-enjoy na lang kayo sa mga kakaiba at kakaaliw na university & college name na aking kinalap all around the world.

Can Tho University, Vietnam. (Courses offered: BS in Pag-iihaw ihaw along the kanto, AB Pick-UPing at the kanto, & BS Tambay major in Kara y Cruz)




Petra University, Jordan & Petra Christian University, Indonesia (Where Petrang Kabayo studied BS Animal Husbandry major in KICKING.)










University of Lampung, Indonesia. (Try their most popular course ang BS Lampungan. Libre pili ng kalampungan sa mga picture sa kanilang web site gaya ng nasa babang larawan.)






Cologne Bussiness School, Germany. (where the owner of afficionado perfume studied. Lolz. At bawal ang mabaho sa school na to!)






Srinakharinwirot University, Thailand (sige nga, basahin mo nga ng walang hinto...uy di kaya! lolz)




Bharat University, India (Kung gusto mong mag-aral kung paano makipagtawaran sa mga tiangge at sa divisoria, this university is the one you are looking for, kaya....enroll na, first 100 enrollee will get a lowie bitton from Manay Lolit Solis.)



All Hollows College, Ireland (kung feel mo naman ang holloween theme all the year around, All Hollows College will welcomed you open arms. 50% discount for those who can enroll on the midnight of Oct. 31, kelangan naka-halloween costume)




Sitting Bull College, USA. (No comment, baka masuwag ako ng bull)




Hoge HotelSchool, The Netherlands (Ayus! 2 in 1. Anu kaya kung may SOGO HotelSchool? Hmmmm....)




Universiti Teknologi MARA, Indonesia. (Iyakan for 24/7 ang pinakamagandang kurso dito. Dito nagtapos si Juday. Kakagraduate lang ni Kathryn Bernardo at transferee si Julia Montes mula sa Sta. Clara College. Sila ay may pare-parehong course ang AB Iyakan using their Left Eye only.) 



University of Sumatera Utara, Indonesia. (Isang course lang ang inooffer nila dito ang BS in Gay Lingo. Exclusive school for Gays.) 



Mutah University, Jordan (Para sa mga mahirap matulog, this university is the best for you. You can study while your making your own MUTA.)



Karamay Vocational & Technical College, China. (Kung ikaw ay nalolongkot, walang makaosap,  dito sa Karamay College, ikaw ang bida habang kumakanta ng "may karamay ka, sa yong pag-iisa, kaibigan kita, kaibigan twina"...uy kinanta. Lolz!)



Anoka Technical College, USA (Mula sa isang pinay contestant ng isang inter-collegiate beauty contest, representing their school, "Ano ka sinuswerti........ANOKAAA TECH". Lolz!)



Olsztynska Wyzsza Szkola Informatyki i Zarzadzania w Olsztyni, Poland. (Anu ba yan hirap basahin. Nose Bleed! I need an interpreter!)



Free University of Tbilisi, Georgia (Dahil ang pag-aaral kailangan ay libre. Libre for the first 30 enrollees at may kasamang GC handog ng Quezon City Eternal Garden.)



Baoding University, China (Bukod sa Cosmetology course, they also offers AB Hada, Barbie Dressing & sa music department nila ay may silindro excercise bago magsimula ang klase. Lolz!)



Al-Baha University, Saudi Arabia (Sister school ito ng UST[Unibersidad Sa Tubig]. Lolz!)



Thonburi University, Thailand
University of Grigol Robakidze, Georgia
Five Town College, USA
Sirnak University, Turkey
Dong-A In Jae University, Korea
Buraimi University College, Oman
Rust College, USA
Lamar State College Orange, USA
Nilai International College, Malaysia


at marami pang iba....


**********
Dito sa bansang aking kinaroroonan, na hindi ingles ang pangunahing lenggwahe, ay may malaking pagpapahalaga ang gobyerno sa edukasyon. Ang edukasyon dito ang may pinakamalaking budget mula sa gobyerno (NT$608.6 billion), kaya naman hindi kataka taka na nasa ika-24 pwesto sa world ranking ng webometrics.info at #87 sa QS World University Ranking, ang isa sa kanilang universidad, ang National Taiwan University, the most famous & comprehensive public university in Taiwan.


**********
Marami sa atin ang competitive pagdating sa iba't ibang larangan. Mula sa medisina, pagtuturo, IT & engineering, subalit hindi nagiging sapat ang kanilang pag-aaral, lalo na yung mga nasa State Universities & Colleges, dala ng kakulangan sa gamit. Isa akong estudyante dati sa isang pampublikong unibersidad sa maynila, kaya alam ko kung ano ang pakiramdam ng mag-aral ng kulang sa pasilidad. 

When I was in college, sa isang computer na binili pa ata nung panahon ng Kastila, sampu kaming gumagamit, siyempre sa sampu na yun may isang nag-aatribida (hindi ako yun!) kaya gudluck na sa siyam kung makapindot pa siya ng letter 'A' sa keyboard. Tapos eto pa, nung high school ko first time naranasan yung klase under the tree, akala ko hindi uso sa college, yun pala nangyayari din ang ganun. 

Kung hindi lang sana kinukurakot ng mga nakaupo sa gobyerno at hindi binabawasan ang budget para sa edukasyon....





6 Responses
  1. eMPi Says:

    Gusto ko sa Free University... kasi feeling ko free lahat ang gastos. :D


  2. magandang mag aral sa bharat university....


  3. edi ikaw na ang magaling magresearch. yung mga bahasa words na university, medyo normal na sa pandinig ko kase nakapagtrabaho ko malaysia. at talagang binasa ko ng derecho yung shirakharinwirot. lol


  4. RHYCKZ Says:

    EMPI: tara enroll tayo! :D


    ARVIN: hahaha, oo, tutal malapit na ang pasko, magandang matuto kung paano ang da best na baratan method.

    Happy 3rd year sa blog mo.


    DYOWEL: hahaha, eh di ikaw na ang nakarating at nakapagwork sa Malaysia Truly Asia. lolz!

    Salamat kuya sa pagbisita.


  5. AJ Banda Says:

    hahaha.. puro ako tawa dito sa list mo...

    btw, hanglupit ng blog mo.. tatambay na ko rito.. :)


  6. Zen Says:

    Laugh trip ako dito.. Sobra.. hehe. Gusto ko pumasok sa Free University.. ahaha :)


Blog Widget by LinkWithin