UNDRAS
Ilang araw na lang Undas na naman. Sa amin sa Batangas UNDRAS ang tawag, at kung tatanungin mo ako kung bakit may letter na nadagdag, wala akong kasalanan, ang tanging kasalanan ko lang ay ipinanganak akong gwapo. Lolz!

Kung sa amin sa Batangas ay undras ang tawag, sa iba namang nilalang at nagkakatawang tao, ito at HALLOWEEN (yesss! hongzuxial). At ang isa sa panakagusto ko tuwing sasapit ang araw na ito ay yung tinatawag na UNDRASAN o UNDASAN. Explain UNDRASAN? Kung kayo ay namatayan sa year na ito at first time niyang[the dead] magnonovember 1 or first time niyang wala sa piling niyo tuwing sasapit ang season na ito, walah! kayo ay may instant undrasan...hehehe.

Mga kailangang sangkap kapag may undrasan. (sangkap talaga? lol)
1. Dalawang kandila, usually yung kulay yellow na mahahaba,
2. Pictyur ng namatay na nakangiti, kelangan yung pinakamaganda dahil kung hindi maookray lang siya ng mga magdadasal. Kung wala naman pede na rin ang grad pic niya....... nung kinder,
3. Telang puti,
4. Mesa,
5. Prayer book at rosaryo
6. At siyempre kelangang may..... SUMANNNNN. (hindi ko alam kung bakit suman lagi ang nakahanda, bata pa ako, tanong ko na yan.)

Oo, tradisyon na ito sa lugar namin kapag may namatayan at ang numero unong handa sa panahong ito ay suman. Pero hindi lang dapat suman ang inyong pagkaabalahan, kailangan niyo rin mag-offer ng dasal para sa kaluluwa ng yumao or else he/she[the dead] will come back & hunt you not just like a typical ghost or spirit but just like SAMARA or SADAKO. Hehehe. Exempted ang mga bata sa dasal kaya naman si ako, hakot all you can! hahaha!

Well, anupa't anuman ang tawag, iisa lang ang ibig sabihin ng araw na ito. Ito ang araw upang ating bigyan ng pag-alala at dasal ang ating mga mahal sa buhay na yumao. Ito rin ang araw upang magdisco, mag-inuman, magligawan, magsex, magparty dalawin natin sa loob ng isang taon ang ating mga mahal sa buhay na minsan ay naging parte o naging bahagi talaga ng ating buhay at ng kung simuman tayo ngayon. Sila na minsan ay nagbigay saya, at nagbigay kulay sa madilim nating nakaraan. Sila na gumabay, umalalay, umaway, nag-alaga, inalagaan, nakasagutan, nakasakitan, inibig, nambreak, sila na minsan ay nakasamaan natin ng loob, nakatabi sa upuan sa jeep, sa eskwelahan, kaibigan, kabarkada, kapatid, lolo ng lolo at kapatid ng kaibigan. Silang lahat na iniwan ang mundong ito na puno ng pag-asa para sa atin. Silang lahat ng mga pumanaw at isinalang-alang ang sarili para sa kabutihan at upang ipagpatuloy ang buhay ng iba. Silang lahat na kapiling na ng ang ating Panginoong Maykapal.

Kaya para sa ating lahat na nabubuhay huwag po sana natin silang kalimutan. Saan man tayo naroroon nawa'y maipagdasal natin ang kanilang kaluluwa at bigyan sila ng importansya at iparamdan natin ang ating pagmamahal sa kanila. Hindi sa ganda ng bulaklak at presyo ng kandila maipapakita ang taos pusong pagmamahal para sa yumao bagkus ito'y sa ating presensya at effort ng pagpunta sa kanilang mga puntod at alay na dasal...


**********


HAPPY HALLOWEEN!!!



**********
Kaya dahil diyan.....pili ka na ng kandila sa ibabang piktyur para sa kanila.

A. Kung ang namatay sa inyo ay lasenggo, tumador, magbabarik o manginginom bagay na bagay ialay ang  kandilang ito dahil "sa langit walaaang beer" (sabi sa kanta).



B. Kapag ang inyong patay ay isang Dynamite Fisherman, o avid fan ni Bruno Mars o di kaya naman ay mahilig manood ng Bugs Bunny bagay na bagay ang kandilang ito.

Note: Pagkatapos sindihan habang nasa loob ng sementeryo,  sumigaw ng "GRANADAAAA" o kaya naman ay "BOMBAAAA".



C. Kung ang inyong patay ay naputol ang ulo habang ipinapanganak, ito ang nababagay na kandila para sa kanya. Choose in any variants at ihulog sa suking tindahan.



D. Kapag ang namatay ay nanuno sa kawayanan, this kawayan(bamboo) inspired candle is suited for him/her. Also available in labong(bamboo shoot) style.



E. Kapag namatay naman sa KOLOBOSO i-offer ang KALABASA style na kandilang ito dahil "ang kalabasa ay mayaman sa Vit A na pampalinaw ng mata". Hindi lang pamapalinaw, pang isports pa!. LOLZ



F. At para naman sa masarap na kainan este kwentuhan after magdasal sa sementeryo, sindihan ang mga candle cake na ito. 2 in 1 na! menos gastos pa! Hindi niyo na kailangan mag-alay ng anumang prutas o pagkain.

Note: Kung hindi niyo mahintay na maupos ang kandila, pede niyo ng isubo ng buo ang mga ito baka tirahin pa ng mga batang nagnanakaw ng mga kandila, mahirap na! Kayo rin! Hehehe.



Anyways,

HAPPY HALLOWEEN & KEEP SAFE, ALL TRAVELLERS


PHOTO CREDITS from HERE.


2 Responses
  1. LON Says:

    HAHA, HANEP KA RHYCKZ, NAPATAWA MO KO. HAPPY UNDrAS.


  2. Jhanz Says:

    Win! :) Happy halloween! :D


Blog Widget by LinkWithin