GLEE-SEASON FINALE
Its been a while when i started watching GLEE at nakising-along sa kanilang version ng Dont Stop Believing ng Journey. At ngayon hindi ko alam na season finale na pala ng series na ito hanggang sa mapadpad ako sa youtube at nakita ito....



Sobrang nageenjoy ako habang pinapanood ang musical-comedy-drama na ito. Siguro lang sobrang namiss ko ang hiskul. Ewan ko ba bakit hindi uso ang mga musical na ganito sa iskul namin(asaness) noon. Kataasan ay Romeo & Juliet ang meron. At ang papel ko sa mga play, kung hindi magiinom, adik, o kaya sugarol at sanggano, at sa kabila ng mala anghel kong pagmumukha (walang kokontra) minsan zombie at pulubi. Pero kahit na ganito ang mga papel ibinibigay sa akin at the end of the show, marami naman ang pumupuri. Meaning kung anuman ang papel na nakaatang sa yo, gawin mo ang makakaya mo at gampanan mo ng mabuti ang papel na yon gaano man kaliit o kalaki.

Ganon din sa buhay, kahit wala ka sa kislap ng mga ilaw at wala sa entablado, gampanan mo ng mabuti at pagsikapan ang anumang trabahong ibinigay sa iyo, gaano man yun kaliit at kalaki, kase sa kabuuan kabilang ka pa rin sa pangkalahatan. Kumbaga hindi mabubuo ang isang bahay kung walang pako. Kaya kung anuman ang ating ginagawa sa buhay bastat marangal, ipagmalaki mo. Kaya naman bilib na bilib ako sa mga kababayan nating OFW (sa amin pala!!!) na tinalikuran ang kanikanilang mga tinapos upang tuparin ang kanilang mga pangarap sa pamilya at tungkulin sa ating bayan. Sa totoo lang marami sa atin ang gradweyt pero naninilbihan bilang isang kasambahay sa ibang bansa, marami sa atin ang doctor in profession pero caregiver sa ibang lugar at nag-aalaga ng mga bata at matandang hindi naman natin kaano-ano. But then ipinagpapalit natin ang lahat ng yon para sa ating mga pangarap sa buhay, pamilya at bayan. Kaya ang masasabi ko lang ay,

MABUHAY KA, PINOY!!!

&

DONT STOP BELIEVING!!!



Labels: , , , , , , |
2 Responses
  1. Anonymous Says:

    hi sco! nanonood ka pala ng Glee.. ako kasi ndi eh. haha! wala lang.. gusto ko din manood. sana maumpisahan ko. at ndi ako tamarin.


  2. RHYCKZ Says:

    hi ate chikee, miss you na po. oo. at sa sep 21 ata ang pilot ng season 2...

    ingatz po.


Blog Widget by LinkWithin