Rumor has it.
Dati rati sabi sabi lang, haka haka. Tsismis, ganon. Ayokong maniwala kase dati nangyari ang parehong problema pero hindi nangyari ang gusto nila. Pero ngayon totohanan na. Lumala ng lumala ang sitwasyon hanggang sa nadamay na ang mga di dapat madamay. Nadamay, ang karamihan na sila lang ang inaasahan ng kani-kanilang mga pamilya.
Nagtatantrums ang Taiwan. Nagmamatigas at nanindigan ang Pilipinas sa nabitiwang salita. At ang kapalit, ang libo-libong pinoy na mawawalan ng trabaho! Tsk! tsk! tsk!
**********
Kaninang umaga, habang nasa higaan ako at naghihintay na mag-alarm ang alarm clock para bumangon at maligo ay naulinigan ko ang mga ka-room mates ko mula sa ibang kumpanya na nag-uusap at sa pakiwari ko ay naalarma sa nangyayari at sa mga bagong policy ng kanilang company regarding OFW's. Based on what I heard from one of my room mates, those who are having thier 2 years contract, finished are not be extended for 1 year more. Sa mga nakalipas na taon kasi, usually ang mga nagtatapos ng kanilang 2 years contract ay na-eextend ng isang taon pa or they like or good ang performance, iha-hire ka ulit, kasi nga naman kung maghihire sila ng bago, panibagong tuturuan, eh isa sa pinaka-ayaw nila ay ang may tinuturuan lalo na't hirap silang mag-ingles.
According sa mga kakwarto ko, iyon daw ngayon ang utos ng gobyerno dito na hindi na sila mag-rerenew ng ARC(Alien Residence Card) for extension & ban/freeze for hiring Filipino workers, dahil nga sa conflict between our country. And by this month, 10 ang uuwi sa kanilang company, yun yung hindi na pinag-extend, and rumor says that they will be replaced by the Thailanders. Sila yung mga tao na mukhang goons kapag nakita mo(hahaha, racist!), nagiinom sa mga side walk ng national road at animoy nag-pipicnic lamang sa park. Sila yung mga mahilig sa camouflage na pants at leather jacket (ikaw na ang action star, hahaha, racist talaga!). Kasi kapag sinabing taga-Thailand o T'ai Kou (in chinese) ang impression kase kakaiba, mga mahilig sa away, barumbado, mag-iinom, lack of discipline. Eh ayaw na ayaw ng mga Chinese sa mga ganun. At may narinig pa ako, na sa ibang company ay nag-iistart ng maghire ng mga Thailanders kapalit ng mga umuwing pinoy. Although may mga thailanders na dito kahit dati pa, pero kasi sa mga bakalan sila o kaya naman sa mga textile companies o dun sa mga trabaho na katawan ang gagamitin hindi ang isip.
Yun, sila daw ang ipapalit sa mga uuwing pinoy. Paano kung sa mga uuwi na yun eh, sila ang inaasahan, bread winner kung baga. Tapos hindi pa natatapos tubusin ang mga isinanlang lupa o kaya'y bayaran ang mga hiniram sa ibang tao na ginamit para lang makarating dito, hindi kaya madaling hanapin ang 70 to 100 thousand pesos na pang-placement sa agency. Pano kung sa loob ng dalawang taon na yun eh hindi pa sila nakakabayad sa mga utang. Tapos pag-uwi sa pinas, banner lang ang sasalubong mula sa gobyerno natin na may nakasulat na "mabuhay ang mga bagong bayani". Hayyy, nakakalungkot isipin at nakakapanghinayang naman ang talino, sipag at dedication sa trabaho ng mga OFW na ipinagpalit ang pansariling kaligayahan, tiniis ang lungkot at kung mamalasin ka pa ay sa mapang-aping amo o di kaya'y mahinang kumpanya.
Nang dahil sa pride at pagmamatigas ng ilan, libo libo ang magsusuffer at mawawalan ng pagkakakitaan.
**********
Kanina din, I had an argument with my supervisor with this 'sorry' issue. Sabi niya bakit daw takot ang Pilipinas sa China, porket malaking bansa yun at maliit lang ang Taiwan. Simpleng 'sorry' daw di pa magawa. Syempre bilang isang pinoy, ipagtatanggol ko pa rin ang bansa ko. Ang sabi ko naman, masyado na kayong nagtatantrums, para kayong mga bata na hindi lang naibigay ang gusto niyo, idadamay lahat ng kalaro. Isa pa, sabi ko, sa China naman ang kaso kaya tama lang ang ginawa ng gobyerno namin. At hinamon ko pa siya, sabi ko, oh sige palitan niyo ang mga Operator na pinay ng mga babaeng Thailanders ewan ko lang, baka mapeke kayo, kase baka iba sa kanila may titi o lawit. Tapos sabay sabi niyang, "oo nga!"
0 Responses
Post a Comment
Subscribe to:
Post Comments (Atom)