NASAAN KA ELISA?
Bata pa lang ako uso na ang mga teleserye, telenovela at soap opera(iisa lang yun ah!). Katunayan naging kasabayan ko na sa paglaki ang ilan sa kanila sina Mara at Clara, Esperanza, Anna Luna, Anna Karenina, Ula, at ibat iba pang pangalang pambabae. Simula noon hanggang sa mga panahon ngayon patuloy ko pa ring iniisip kung bakit puro pangalan lang ng babae ang ginagawang title ng mga soap opera's at teleserye's(oo, may 's' talaga, kase marami na sila). 

Bakit nga ba hindi pwede ang Ambo? ang Eustaquio? o di kaya naman ay Esperdion Halinghing? Kunsabagay ampangit nga naman kung  sasabihin mo or maririnig mo sa iyong kasamahan sa opisina, sa eskwela at sa kalye na, "uy, pare, bilisan mo na manonood pa ako ng Ambo or ng Eustaquio". Ansagwang pakinggan di ba? Siguro nga kasama na sa kultura at nakagisnan natin na iyakin ang mga babae, kaya halos ng ganitong uri ng tema ng palabas telebisyon ay sa mga babae ang karaniwang ipinapamagat. Sabi nga iba, ang mga babae lang daw ang magaling gumawa ng iyak...nang iyak na isang mata lang ang lumuluha at pataas pa. 

Saludo ako sa mga gumagawa ng orihinal na kathang may temang kagaya ng dramang ganito, yung nakakakuha ng simpatya ng tao, yung talagang tatatak sa isipan ng masa at sa bawat manonood ang mga pagkatao ng bawat karakter na gumaganap at ginagampanan. 

Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon ay kokonti na lang may kakayanan na gumawa ng mga orihinal na temang dramang pantelebisyon. Karaniwan ngayon ay remake o di ka na naman ay franchise at ginawang tagalog ang mga dramang mula sa Korea, Taiwan, Argentina at Mexico. 

At sa dami na ng napanood kong soap opera, ngayon lang ako nakakita i mean nakarinig ng may patanong sa title, gaya ng Nasaan ka Elisa? or Nasaan si Elisa? ba yon. Aktuli wala pa akong napapanood na episode ng palabas na yan at ni hindi ko nga alam kung kelan siya nag-pilot, narinig ko lang sa kasamahan ko sa Choir na may palabas na ganyan. At ng marinig ko ng banggitin niya ang title ng palabas sa tv ngayon, isa sa mga kasamahan ko ang sumagot ng "Hindi ko alam, bat sa akin nyo hahanapin". 



Anyways,



Dahil sa naging curious ako kung nasaan talaga si Elisa. Heto ang mga narinig kong bulong bulungan mula sa mga tsimoso't tsismosa.

1. Mula sa isang tagahatid ng softdrinks sa isang sari-sari store.
"Si Elisa? sinong elisa? Ah! yung nakatira kina kuwan, pre anu nga bang pangalan nun, yung napagtanungan natin kung saan ang daan papuntang Eskinita Avenue at penge ngang isang istik ng sigarilyo".

2. Mula naman sa isang bading sa parlor.
"eklabooo, eklabooo, eklabooo." (translates as "the sun is the center of the solar system and the object moving around it are the planets.")

3. Mula kay Aling Karya na tindera ng balot sa kanto ng corner Adriatico.
"Ayon sa mga balita at mga sabi sabi siya daw ay matagal ng gumagala-gala dito sa Maynila, may nakakita nga raw sa kalating katawan sa may Spratlys na ginagawang poste ng mga Chinese."

4. Mula sa isang kolehiyala.
"Yuckk! your so baduy (with matching rolling of eyes in one complete revolution). Grabeh! Elisa who? Durrrr! (sabay pulot sa nahulog na tokneneng then shoot sa bibig, sabay sabi ng 'wala pang 1 minute.')"

5. Mula sa lasingero sa kanto.
"Kita mo yun, hik! kumaliwa sa kanto na yun, hik! tas kapag may nakita kang aso sundan mo at huwag kang papayag na ikaw ang susundan ng aso, ha!. Kung wala namang aso, bumalik ka na lang dito at inuman tayo, hik!"

6. From an OFW in Libya being interviewed by the media.
"Kitang kita ko po kung paano kami pinalis ng aming tirahan at dinala sa isang madilim na lugar at doon, isa-isa kaming hinubaran at saka.......................kinulutan at pinedecuran ng mga bading na libyan"

7. Ayon sa mga Bhuddist, si Elisa ay isa nang beauty queen....




Watch Nasaan Si Elisa? in ABS-CBN, gabi-gabi.
4 Responses

  1. LordCM Says:

    hehehe, katuwa naman ung pic...

    wala pa rin akong napanood na episode nyan..nagtataka lang ako, ang bida ay si Elisa, kung hinahanap nila si Elisa, kailan lalabas sa scene si elisa na bida kung nwawala nga, ang gulo :))


  2. Zen Says:

    Ahahaha.. Lols.. Naloka ako sa mga sagot kung asan nga ba si Elisa..
    Meron din namang teleserye na lalaki ang bida. Pero hindi sa kanila ipinapangalan yung show. Kadalasan, sa kanta na.. :)


  3. RHYCKZ Says:

    @kuya empoi, salamat sa pagbisita..


    @kuya CM, oo nga no!hehehe baka nman nagkacasting pa sila.


    @ate zen, thank you po sa pagdaan, meron nga pala, kaso kapag mga batang lalaki ang bida.


Blog Widget by LinkWithin