IN MEMORIAM...
Matagal-tagal na rin kitang kasama, halos isang taon na ang lumilipas. Naalala ko tuloy  noong una kitang makita, napatunganga ako sa iyong kasimplehan, hindi ka gaanong makolorete at sa isip-isip ko, ah! bagay na bagay ka sa isang ordinaryong taong tulad ko. Akala ko nga hindi tayo magkakasundo, kasi, nung nasa 'getting to know each other' stage pa lang tayo, marami akong hindi maintindihan sa iyo, may mga ayaw ka na gusto ko naman or vice versa. Mahirap para sa akin, dahil mas madalas yung gusto mo ang nasusunod, wala naman akong magawa, kasi masaya rin ako sa gusto mo, at sa mga times naman na pinagbibigyan mo ako, mas lalo akong sumasaya. Halos ilang buwan din, bago tayo tuluyang nagkalagayan ng loob. 

Naging kasama kita sa lahat ng lakad ko, simula sa New Year countdown sa Taipei 101 noong 2011, hanggang sa umakyat tayo ng sabay sa halos 11,227 ft ng Mt. He Huan (Joy Mountain) upang makakita lang ng snow. (First time kong makakita ng snow at ang una kong impression, totoo palang malamig. LOL!)

Ikaw rin ang kasama ko noong Chinese New Year, kahit hindi ako chinese, binigyan mo pa rin ako ng magagandang memories ng okasyong ito. At nito lang nakaraang Hunyo, tayo pa rin ang magkasamang sumakay ng Screaming Condor at ng Ring of Fire sa Leo Foo Village. Ikaw rin ang unang nakakarinig at nakakaalam ng mga magaganda at masasamang balita mula sa aking pamilya sa Pilipinas. Napakasaya ko lagi kapag kasama kita, feeling ko inlab na ko sa yo eh. Lol! 

At nitong nakaraang linggo lang, habang sineselebreyt natin ang Mid-Autumn Festival ng bansang kumalinga sa akin ng halos walong taon ay inagaw ka sa akin ng mga masasamang loob. Di ko sukat akalain na ito na ang simula ng ating paghihiwalay....


Miss na kita....


HTC Wildfire.









3 Responses
  1. Anonymous Says:

    Wow!! New post!! hehe..

    Habang binabasa ko, nasasabi kong.. ang sweet naman ng inyong samahan. Magkasama sa kung saang gala, nakakaalam ng mga pangyayari sa buhay mo't ng iyong pamilya.. at nainlab ka na din sa kanya.. Aww..

    Itatanong ko pa sana kung sino ito.. si HTC Wildfire pala. Hehe..

    Ang sama naman ng taong umagaw kay HTC. Bad siya.. :(

    Cheer up na lang po kayo.. :)


  2. RHYCKZ Says:

    Thank you ate leah!!! miss you

    oo nga eh, sana alagaan at gamitin nya ng maayos yung cp ko na yon, or kung binenta nya, sana makatulong ng malaki sa kanya...

    ingat!!!


  3. Zen Says:

    Ang hirap talagang mapahiwalay sa matagal mo nang nakasama..
    Akalain mo yun, lagi kayo magkasama, pero may umagaw pa sayo?? tsk tsk tsk... :))


Blog Widget by LinkWithin