Oktubre 2003
Nang una kitang masilayan
Sa pahayagang may dalang pangako
Para sa trabahong mula sa ibayo.
Kapos man sa salapi
Ako'y iyong pinili
Upang sa iyo'y maglingkod
Nang tapat at ng buong puso.
Masakit mang malayo
Sa pamilyang mahal, ako'y mag-isang humayo.
At sa luha ng pamamaalam
Pag-asa ang aking laging inaasam.
At sa aking paglipad,
baon ko'y masasayang sandali.
Mula sa pamilyang
sa akin ay kumandili.
Sa aking paglapag
Malamig na hangin
Ang agad na salubong mo sa akin.
O Taiwan kong mahal
Nang una kitang makita ako'y namangha
Sa ganda ng gusali na animo'y sa hari
At sa aking pagdating, ikaw ay nagningning,
Upang ako ay iyong makapiling.
Ako ay iyong inaruga
Sa loob ng mahabang taon
Sa lungkot at saya
Ay kapiling kita, at naging karamay din.
Ikaw ang naging saksi,
Sa lahat ng nangyari
Sa buhay kong pinili.
Sa ibayong dagat na aking minithi.
Oktubre 2006
Nang ako'y magpaalam
Upang bumalik Sa lupang kinagisnan.
At sa aking pag-alis, lungkot ang naghari.
.
.
.
.
.
Wala na akong maisip,
Na isusunod pang mga kataga, kaya dideretsuhin ko na
Ang aking pakay sa paggawa
Nitong tulang walang kwenta.
.
.
.
.
Miss na kita LEAD DATA.....
**************
Nang una kitang masilayan
Sa pahayagang may dalang pangako
Para sa trabahong mula sa ibayo.
Kapos man sa salapi
Ako'y iyong pinili
Upang sa iyo'y maglingkod
Nang tapat at ng buong puso.
Masakit mang malayo
Sa pamilyang mahal, ako'y mag-isang humayo.
At sa luha ng pamamaalam
Pag-asa ang aking laging inaasam.
At sa aking paglipad,
baon ko'y masasayang sandali.
Mula sa pamilyang
sa akin ay kumandili.
Sa aking paglapag
Malamig na hangin
Ang agad na salubong mo sa akin.
O Taiwan kong mahal
Nang una kitang makita ako'y namangha
Sa ganda ng gusali na animo'y sa hari
At sa aking pagdating, ikaw ay nagningning,
Upang ako ay iyong makapiling.
Ako ay iyong inaruga
Sa loob ng mahabang taon
Sa lungkot at saya
Ay kapiling kita, at naging karamay din.
Ikaw ang naging saksi,
Sa lahat ng nangyari
Sa buhay kong pinili.
Sa ibayong dagat na aking minithi.
Oktubre 2006
Nang ako'y magpaalam
Upang bumalik Sa lupang kinagisnan.
At sa aking pag-alis, lungkot ang naghari.
.
.
.
.
.
Wala na akong maisip,
Na isusunod pang mga kataga, kaya dideretsuhin ko na
Ang aking pakay sa paggawa
Nitong tulang walang kwenta.
.
.
.
.
Miss na kita LEAD DATA.....
**************
Namiss ko lang ang unang kumpanyang pinaglingkuran ko dito sa Taiwan, ang LEAD DATA Corporation. Sa loob ng tatlong taon kong pamamalagi kasi, hindi ko lubos akalain na darating ang punto na magsasara ang kumpanya. Dala na rin siguro ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya, at dinagdagan pa ng trahedyang naganap sa Japan nung Marso (SONY, JAPAN ang pangunahing customer namin), tuluyan ng bumigay ang kompanyang nagpasuweldo at tumulong sa akin, at sa aking pamilya.
Lead Data is a professional optical disc manufacturer for SONY,Japan, CD-R King, IMATION & MELODY.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Namiss ko rin ang pangalawang kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Maganda kasi ang trato nila sa mga contractual. :)
astig nito pre, kaso hindi tapos. may suggestion ako, tapusin mo at isunod sa tema ng PEBA na "Ako'y magbabalik, hangad ko'y pagbabago" tapos isali natin sa PEBA, tulungan kitang maipasok ang entry mo kung matatapos mo at pasok sa tema nila
@kuya empi, oo nga eh kakamiss, lalo na kapag naging masaya ka ng sobra...taz nagkadyowa ka pa. ayus na ayus, parang gusto mong bumalik...hahaha
@kuya CM, ay kakahiya naman po, parang ako mismo sa sarili ko hindi ko pa kayang sumali sa peba... pero ita-try ko pong tapusin at iedit ng magkatimpla (parang kape lang) naman at ng umayon sa tema.
salamat kuya.