MEMA presents TIPS TO PREVENT IMPATSO
MEMA short for May Ma....

MEMA-post lang!!!
**********

They say Filipino loves to eat. True. At a kabila ng iba't ibang handaan dala ng kapaskuhan at kabi-kabilang mga party, for sure naramdaman niyo ang mga ito,bloating, hirap sa pagdighay, pananakit ng tiyan, pananakit ng bandang itaas na bahagi ng sikmura, lalo na after kumain ng ibat ibang pagkain gaya ng istapegi, pansit, menudo, adobo, fruit salad, hamon, at iba't iba pang putaheng pang pasko at pang christmas party. Kung ito ay iyong naramdaman ikaw ay na-IMPATSO o indigestion. 


At dahil ikaw ay nakaranas ng ganito nung kapaskuhan, narito ang limang tips upang ito ay maiwasan sa darating na NEW YEAR.

1. Alamin ang inyong kapasidad sa pagkain. Hindi yung para kang alipin sa gigilid na para bang mauubusan ng pagkain. 
   1a. Bago kumain mag-cart wheel muna ng 5 beses to left then back to the right naman. Lol!


2. Magdala ng 'gamot sa bukol', diatabs ang ibig kong sabihin... tanga!. Aspirin at mga gamot na may steroid. (kung magtatanong ka kung bakit yung may steroid, hindi kita masasagot dahil hindi ako ang duktor mo)

3. Isara ang bibig kapag ngumunguya upang hindi makapasok ang hangin. Dahil kapag nakapasok ang hangin...... mamamatay ka!.... oo, mamamatay ka, kasi nakalimutan mo na tumingin ka pala sa BAGWA ni kris.

4. Iwasan ang pakikipagtsismisan habang ngumunguya. Dahil kapag nakita ka ng pinagtsitsismisan niyo baka mapaaga ang NEW YEAR mo, maari kayong mabaril, oo mabaril agad, kasi uso ang baril kapag bagong taon. 

5. Iwasan ang pagkain ng mabilis kung wala namang TAXI na naghihintay.

Upang lalong maiwasan ang Impatso, narito ang tamang paraan ng pagkain at pag-nguya.



HAPPY NEW YEAR folks!!!



5 Responses
  1. McRICH Says:

    ui hindi sya basta MEMA lang ha, may sense naman sya, at in-effort pa rin :)


  2. Akoni Says:

    alamin ang kapasidad sa pagkain? hehe..hindi ko matantsa eh.

    anyway salamat sa tips kahit nalabuan ako sa iba..haha..natawa pla


  3. RHYCKZ Says:

    @kuya McRICH, sir thank you sa pagvisit at sa pagcomment.


  4. RHYCKZ Says:

    @Kuya AKONI, hahaha, kuya galing wiki ang mga yan, nilagyan ko ng corny humor. lolz

    Anyways Happy NEW YEAR sa iyo at kay kuya Mc RICH. hahaha


  5. Anonymous Says:

    happy new year din rhyckz... ang technique ko jan ay soda drinks.. para matunaw kaagad ang kinain mo. hehehe...


Blog Widget by LinkWithin