101st EPISODE

Yeheyyyy!!!
Isang taon na ako sa blogosperyo ngayong buwan, isang taon ng samut saring kwento, kalokohan, saya, inspirasyon, pakikibasa, kulitan, komento, argumento, pakikipagkaibigan, pakikiisa sa mga nagbibirthday na nagnanais ng picture greetings, pakikiisa sa buong mundo sa earth hour, earth day, climate change at sa isang minutong smile ni kuya CM. Isang taon ng pagbibigay komento sa kapwa blogero, sa paniniwalang sila'y magkokomento din back (hehehe). Isang taon ng pagngiti sa tuwing may bibisita sa site at lalong mas maganda ang ngiti kapag patuloy na dumadami ang flag sa Flag Counter...hehehe. Hayyys, ambilis ng time. Parang kelan lang ng unang ipakilala ni Chikletz ang blog sa amin, habang nangungulit siyang iboto namin siya sa the composed gentleman's blogger of the month.

At sa loob ng isang taon, marami akong nakilala at patuloy na nakikilalang pinoy sa buong mundo, at kahit hindi ko man lubos na nakikita ang kanilang pagbabagong anyo (parang aswang lang) este ang kanilang tunay na anyo, masasabi ko, na sila'y mga kaibigan (sabi nga ni kuya Gillboard sa isang post niya, sila ang reward sa pagboblog), kaibigan na nagbibigay saya tuwing ika'y nalulungkot at nahohomesick, kaibigan nagbibigay inspirasyon sa gitna ng iyong pagkabigo, kaibigan na nagbibigay payo at direksyon sa tuwing ika'y napapabiglang liko (motel?) at kaibigan na patuloy sumusuporta at nagbibigay komento sa bawat poste mong walang kwenta. Sila ang mga kaibigan na sa pamamagitan ng kanilang mga kwento at karanasan (kasama pati libog...joke), totoo man o hindi, ay patuloy na nagbibigay pag-asa at naniniwala na isa kang tunay na manunulat since birth...

At bilang pang-101 kong poste at anniversary post na rin, lubos na nagpapasalamat ang TINTADEFILIPINAS sa lahat ng nagtiyagang bumasa, dumaan, kumaway, sumilip, nagfollow (hanggang sa twitter) at sa mga nagbigay ng kanilang komento at saloobin sa lahat ng posteng aking itinayo. Maraming marami pong salamat. At kahit na sa kabila ng tinatawag nilang writers block at hiatus, patuloy pa rin ang inyong pagsuporta sa Tintadefilipinas' Imprisoned Mind...

Muli,

MARAMING MARAMI PONG TENCHU SA INYO!!!

at

MABUHAY PO KAYO!!!

Blog Widget by LinkWithin