Isang mabilisan at panakaw na post...
Nakakamis din pala ang magblog. Sa loob ng halos 21 araw na pagliwaliw sa facebook, wherein I met my old friends, nakalimutan ko na may bahay at mga bahay pa pala akong dapat bisitahin at basahin. Totoo pala na once a blogger, always a blogger, tama ba!!!. Kahit anung gawin mo, babalik at babalik sa mga nakasanayan mong gawin. Tulad ngayon at sa mga oras na ito, gaya ng iba, ay patagong akong nagfefezbuk at nagbablag. Mahirap ang sitwasyong ganito kala mo, kase kulang na lang ay iikot mo ng 360 degrees ang ulo mo para tignan at bantayan kung may boss na paparating. At para sa matiwasay na pagboblog at pagfefezbuk while at work, heto ang ilang tips para di ka mahuli, kung may paparating man.
1.Mag-open ng other engines o kung anik-anik pa na may relasyon sa work.
2.I-minimize ng sobrang liit kung saan ka gumagawa ng kabulastugan.
3.Kapag papalapit na ang mga echuserang frogletz, i-close kagad ang lahat.
4.Idelete lahat ng history at cookies.
5.Ewan kung epektib to, I-change daw ang year ng computer mo (hindi ko alam kung totoo to...)
6.Kung kapalmuks ka naman, keber kung masight ka nila na nagfefezbuk, ireason mo na lang, ako lang ba?
Alam ko marami sa atin ang may kanya kanyang paraan para hindi mahuli ng mga miron habang lumalabag sa SOP ng kumpanya. Sa mga mahuhuli, galingan nyo ang pagdiskarte para hindi ka masabihan ng mga katagang HULI KA!!!.