Since wala sa Top 400 Ranking of the World Universities ang alinman sa sikat na unibersidad sa Pilipinas. At walang pakialam ang gobyerno natin dito. At patuloy ang usapin tungkol budget cut para sa mga SUC institution. At patuloy rin ang planking protest ng ilang estudyante at ilang gupo. Halina't mag-enjoy na lang kayo sa mga kakaiba at kakaaliw na university & college name na aking kinalap all around the world.
Can Tho University, Vietnam. (Courses offered: BS in Pag-iihaw ihaw along the kanto, AB Pick-UPing at the kanto, & BS Tambay major in Kara y Cruz)
University of Lampung, Indonesia. (Try their most popular course ang BS Lampungan. Libre pili ng kalampungan sa mga picture sa kanilang web site gaya ng nasa babang larawan.)
Cologne Bussiness School, Germany. (where the owner of afficionado perfume studied. Lolz. At bawal ang mabaho sa school na to!)
Srinakharinwirot University, Thailand (sige nga, basahin mo nga ng walang hinto...uy di kaya! lolz)
Bharat University, India (Kung gusto mong mag-aral kung paano makipagtawaran sa mga tiangge at sa divisoria, this university is the one you are looking for, kaya....enroll na, first 100 enrollee will get a lowie bitton from Manay Lolit Solis.)
All Hollows College, Ireland (kung feel mo naman ang holloween theme all the year around, All Hollows College will welcomed you open arms. 50% discount for those who can enroll on the midnight of Oct. 31, kelangan naka-halloween costume)
Sitting Bull College, USA. (No comment, baka masuwag ako ng bull)
Hoge HotelSchool, The Netherlands (Ayus! 2 in 1. Anu kaya kung may SOGO HotelSchool? Hmmmm....)
Universiti Teknologi MARA, Indonesia. (Iyakan for 24/7 ang pinakamagandang kurso dito. Dito nagtapos si Juday. Kakagraduate lang ni Kathryn Bernardo at transferee si Julia Montes mula sa Sta. Clara College. Sila ay may pare-parehong course ang AB Iyakan using their Left Eye only.)
University of Sumatera Utara, Indonesia. (Isang course lang ang inooffer nila dito ang BS in Gay Lingo. Exclusive school for Gays.)
Mutah University, Jordan (Para sa mga mahirap matulog, this university is the best for you. You can study while your making your own MUTA.)
Karamay Vocational & Technical College, China. (Kung ikaw ay nalolongkot, walang makaosap, dito sa Karamay College, ikaw ang bida habang kumakanta ng "may karamay ka, sa yong pag-iisa, kaibigan kita, kaibigan twina"...uy kinanta. Lolz!)
Anoka Technical College, USA (Mula sa isang pinay contestant ng isang inter-collegiate beauty contest, representing their school, "Ano ka sinuswerti........ANOKAAA TECH". Lolz!)
Olsztynska Wyzsza Szkola Informatyki i Zarzadzania w Olsztyni, Poland. (Anu ba yan hirap basahin. Nose Bleed! I need an interpreter!)
Free University of Tbilisi, Georgia (Dahil ang pag-aaral kailangan ay libre. Libre for the first 30 enrollees at may kasamang GC handog ng Quezon City Eternal Garden.)
Baoding University, China (Bukod sa Cosmetology course, they also offers AB Hada, Barbie Dressing & sa music department nila ay may silindro excercise bago magsimula ang klase. Lolz!)
Al-Baha University, Saudi Arabia (Sister school ito ng UST[Unibersidad Sa Tubig]. Lolz!)
Thonburi University, Thailand
University of Grigol Robakidze, Georgia
Five Town College, USA
Sirnak University, Turkey
Dong-A In Jae University, Korea
Buraimi University College, Oman
Rust College, USA
Lamar State College Orange, USA
Nilai International College, Malaysia
at marami pang iba....
**********
Dito sa bansang aking kinaroroonan, na hindi ingles ang pangunahing lenggwahe, ay may malaking pagpapahalaga ang gobyerno sa edukasyon. Ang edukasyon dito ang may pinakamalaking budget mula sa gobyerno (NT$608.6 billion), kaya naman hindi kataka taka na nasa ika-24 pwesto sa world ranking ng webometrics.info at #87 sa QS World University Ranking, ang isa sa kanilang universidad, ang National Taiwan University, the most famous & comprehensive public university in Taiwan.
**********
Marami sa atin ang competitive pagdating sa iba't ibang larangan. Mula sa medisina, pagtuturo, IT & engineering, subalit hindi nagiging sapat ang kanilang pag-aaral, lalo na yung mga nasa State Universities & Colleges, dala ng kakulangan sa gamit. Isa akong estudyante dati sa isang pampublikong unibersidad sa maynila, kaya alam ko kung ano ang pakiramdam ng mag-aral ng kulang sa pasilidad.
When I was in college, sa isang computer na binili pa ata nung panahon ng Kastila, sampu kaming gumagamit, siyempre sa sampu na yun may isang nag-aatribida (hindi ako yun!) kaya gudluck na sa siyam kung makapindot pa siya ng letter 'A' sa keyboard. Tapos eto pa, nung high school ko first time naranasan yung klase under the tree, akala ko hindi uso sa college, yun pala nangyayari din ang ganun.
Kung hindi lang sana kinukurakot ng mga nakaupo sa gobyerno at hindi binabawasan ang budget para sa edukasyon....
Labels:
BUDGET,
COLLEGE,
COLLEGE LIFE,
funny,
HUMOR,
PHILIPPINES,
RANKING,
UNIVERSITY
6
comments
|
|

"I had no idea what I wanted to do with my life and no idea how college was going to help me figure it out. And here I was spending all of the money my parents had saved their entire life. So I decided to drop out and trust that it would all work out OK. It was pretty scary at the time, but looking back it was one of the best decisions I ever made. The minute I dropped out I could stop taking the required classes that didn't interest me, and begin dropping in on the ones that looked interesting."
"No one wants to die. Even people who want to go to heaven don't want to die to get there. And yet death is the destination we all share. No one has ever escaped it. And that is as it should be, because Death is very likely the single best invention of Life. It is Life's change agent. It clears out the old to make way for the new. Right now the new is you, but someday not too long from now, you will gradually become the old and be cleared away. Sorry to be so dramatic, but it is quite true.
"Your time is limited, so don't waste it living someone else's life. Don't be trapped by dogma — which is living with the results of other people's thinking. Don't let the noise of others' opinions drown out your own inner voice. And most important, have the courage to follow your heart and intuition. They somehow already know what you truly want to become. Everything else is secondary."
"Stay Hungry. Stay Foolish."
-Steve Jobs, CEO of Apple Computer and of Pixar Animation Studios-
Stanford University's 114th Commencement Address, June 12, 2005.
Read More here
Thank You,
STEVE JOBS
(1955~2011)
May your soul Rest in Peace
Labels:
APPLE,
APPLE COMPUTER,
CEO,
COMMENCEMENT ADDRESS,
COMPUTER,
LOST,
PIXAR,
STANFORD,
STANFORD UNIVERSITY,
STEVE JOBS,
UNIVERSITY
1 comments
|
|

Dahil ipinanaganak akong inggitero at mahilig sumali sa kahit anong pakontes gaya ng palayuan ng ihi at pahabaan ng titi sigaw ng 'Meri Krismasssssssssssss' untill fade tuwing kapaskuhan, at dahil may angking hilig din ako sa pangongolekta ng basura ng tumbler na umiilaw, ng tuwalya at ng Choco camera, kaya naman wala akong kabalak balak sumali sa pakulo ni bulakbolero. As in wala, walang wala.......at wala ring akong ka-effort effort na magsama pa ng isang bulakbolero sa katauhan ni Ms. Bhing ng gumamela sa paraiso.
**********
The National Palace Museum, Taipei, Taiwan
Ang National Palace Museum ng Taiwan ay isang kilalang pasyalan na napapalibutan ng mga bundok sa gitna ng siyudad ng Taipei. Ito rin ay....
Pasensya nabitin, sosobra na kasi ng 140 characters. LOL!
Pasensya nabitin, sosobra na kasi ng 140 characters. LOL!
**********
At dahil nga naisama at kinulit ako ni ate Bhing na magbulakbol, wala na po nagawa ang inyong abang lingkod habang kinakaladkad sa gitna ng araw ang mura kong katawan na sing-fragile ng most fragile glass sa buong sangkalupaan, sangkaragatan at sangkalokohan. Naala ko pa ang usapan namin sa phone dati, parang ganito yun ate Charo....
Ms. Bhing: "Kelan Sho Shi(Rest Day) mo? Tara EB tayo!"
Ako: "Ate, mahirap akong kumbinsihin eh. Teka, pag-iisipan ko pa. (after 0.01 second)...Kelan ate! Ngayon na! Hindi ako nakaprepare."
Actually napostponed ang una naming plano nung May 10, dahil hindi ako pinayagan ng boss ko na magleave. Natuloy itong lakad namin nung May 22, ilang araw bago ang nakatakdang araw ng pababalik Pilipinas ni Ms. Bhing.
Isa ito sa di ko makakalimutang bulakbol sa buong OFW life ko, kasi ito rin yung time na nag-kain crash kami sa Bicol Association-Taipei chapter. Tumawa at nang-okray sa mga contestant sa isang pacontest ng isang disco bar sa Taipei. Nagpapicture sa isang kilalang University ng Taiwan. At dahil diyan....salamat sa iyo, Ms. Bhing sa oras at sandali na tayo'y nagkasama. It is indeed, one of the best memories that i'll gonna treasure for the rest my life.
**********
At the entrance of National Palace Museum Main Hall together with Ms. Bhing.
Marlene, waitress sa Guatemala,
Cora, caregiver sa Amerika,
Mylene, entertainer sa Japan...
Ito ang kanilang mga mukha.
Hanggang saan ba kailangang umabot para abutin ang mga pangarap.
Magsilbi?
Mag-alaga?
Magsayaw?
Iniwan nila ang bansa,
Pati na ang pamilya.
Ipinaluto ang iba,
Nilinis ang kalat nila.
Kung alam niyo lang, ay hindi niyo masisikmura.
Nakatali ang buhay sa isang kontrata.
Bawal tumakas...
Bawal umuwi...
Kailangang lumipad, upang ang mga pangarap ay makalipad din.
Pero sa ngayon, ang restaurant, ang kwarto, ang entablado ang kanilang hawla.
Umiyak man sa pangungulila, gabi-gabi, araw-araw, para sa pamilya ito.
Kaya tuloy ang pagsisilbi, ang pag-aalaga, at tuloy ang....... sayaw.
-Rochelle Pangilinan voice over-
Party Pilipinas-LIPAD, 10/24/10
**********
Cora, caregiver sa Amerika,
Mylene, entertainer sa Japan...
Ito ang kanilang mga mukha.
Hanggang saan ba kailangang umabot para abutin ang mga pangarap.
Magsilbi?
Mag-alaga?
Magsayaw?
Iniwan nila ang bansa,
Pati na ang pamilya.
Ipinaluto ang iba,
Nilinis ang kalat nila.
Kung alam niyo lang, ay hindi niyo masisikmura.
Nakatali ang buhay sa isang kontrata.
Bawal tumakas...
Bawal umuwi...
Kailangang lumipad, upang ang mga pangarap ay makalipad din.
Pero sa ngayon, ang restaurant, ang kwarto, ang entablado ang kanilang hawla.
Umiyak man sa pangungulila, gabi-gabi, araw-araw, para sa pamilya ito.
Kaya tuloy ang pagsisilbi, ang pag-aalaga, at tuloy ang....... sayaw.
-Rochelle Pangilinan voice over-
Party Pilipinas-LIPAD, 10/24/10
**********
Sa loob ng mahigit na limang taon kong pamamalagi sa ibang bansa, bilang isang buhay na bayani o mas kilala sa tawag bilang isang OFW, marami na akong nakilala, nakasalamuha, at nakasamang tao mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Ilan sa kanila, mga bago pa lamang, mga luma o taon na ang bilang ng pamamalagi at ang iba naman ay yung mga tinatawag na mga beterano, sila yung mga OFW na ginagawang bakasyunan ang Pilipinas.
Iba't ibang istorya ng buhay, merong malungkot, masaya at merong puno ng pag-asa ang kanilang mga kuwento at dala. Pag-asang makabangon mula sa kahirapan sa bansang kinagisnan at pag-asang mapunan ang pagkukulang mula sa bansang kinamulatan... ang Trabaho.
Hindi lingid sa ating kaalaman na sa araw-araw ay may libu-libong pinoy ang umaalis ng bansa, upang makipagsapalaran. Libu-libong Pilipino, bilang Inhenyero, Guro, Caregiver, Salesman, Nurse, Doctor, at iba't ibang uri ng mga blue colored job. Mga propesyong sana ay sa Pilipinas ginagamit. Subalit dala ng kakulangan ng trabaho at liit ng suweldo sa ating bansa ay napipilitang gamitin upang manilbihan sa iba. Libu-libong pinoy na ang tanging dala-dala ay ang pag-asa para sa pamilyang maiiwan at takot at kaba sa bansang daratnan.
Libu-libong Pinoy na hindi alintana ang homesick at hirap ng kalooban, para lang mabigyan ng magandang buhay ang ating mga anak, mapag-aral ang ating mga kapatid at masuportahan ang ating mga magulang. Mga Pilipino na patuloy na naniwala at umaasang may pag-asa pa. May pag-asa pang naghihintay sa bansang sa atin ay kumalinga.
Ngunit kung anupa't anuman ang dahilan ng ating pangingibang bansa, ng ating pagLIPAD, lagi nating iisipin na may naghihintay sa ating pagbabalik, tagumpay man tayo o bigo......
"Well im going home, back to a place where I belong
And where your LOVE has always been enough for me
I'm not running from, no, think you got me all wrong
I don't regret this life I chose for me
But these places and these face are getting old
So i'm going home, well i'm going home."
-Home by Daughtry-