10 things to know if halloween is around the corner.


Dahil halloween ngayon at wala akong maisulat (siguro may masamang spirit na sumapi sa akin) gumawa ako ng sarili kong 10 things to know if halloween is around the corner. And here it is...

1. Trapik sa North & South expressway.

2. Maraming decorS sa mga mall ng pekeng web, sombrero ng witch at mga maskara for costume party. Most popular costumes for para sa party ay witches, pirates, vampires, cats and clowns.

3. Maraming gumagawa at nagpapagawa ng suman lalo na sa probinsya.

4. Maraming tao sa Dangwa at Dimasalang.

5. Punuan at halos di ka makasakay sa bus, at kung mamalasin ka pa aabutan ka na ng undas bago ka makasakay sa mga stations and terminals papuntang probinsya.

6. May mga nagtitrick or treat sa mga sosyal na villages.

7. Puro kwentong katatakutan ang mapapanood mo sa telebisyon, remember the magandang gabi bayan, halloween specials. (nung bata ako sobrang takot na takot at paniwalang paniwala sa mga mga kwento ni vice pres noli.)

8. Kanya-kanyang rush ang mga rusher para mamakyaw ng mga kandila (dahil sa probinsya, pabonggahan ng kandila).

9. May mga live telecast ang mga TV stations sa north & south cemetery. Nagpi-feature din sila kung sinong sikat na personalidad ang dumating na at dumalaw sa cemetery.

at higit sa lahat ay.....

10. Bakasyon grande. The president declared a long vacation.

!!!HAPPY HALLOWEEN!!!
Asian nations to 'lead the world'???
When I opened my email account on hotmail.com, I saw this news from Agence France-Presse posted today (10/24/2009 10:29 AM GMT).


Asian nations look to 'lead the world'

"Asian leaders discussed plans at a major summit Saturday to "lead the world" by forming an EU-style community, while urging action from pariah states North Korea and Myanmar.

The premiers of regional giants China and India also sought to foster unity on the sidelines of the regional summit in Thailand after months of trading barbs over long-standing territorial issues.

Japanese Prime Minister Yukio Hatoyama's proposal for an East Asian community that could take a leading role in global efforts to recover from the economic crisis took centre stage on Saturday.

"It would be meaningful for us to have the aspiration that East Asia is going to lead the world and with the various countries with different regimes cooperating with each other towards that perspective," Hatoyama, who took office last month, told the Bangkok Post newspaper.

The community would involve the 10-member Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) with regional partners China, Japan, South Korea, India, Australia and New Zealand, Japanese officials have said."

What do you think guys? Are we ready for this? Can this be solved every nations problem?Can everyone be benefited or only one nation can gained from this unification?

For the rest of the story visit your account via www.hotmail.com & http://news.ph.msn.com/regional/article.aspx?cp-documentid=3664575


Early Xmas Gifts
Dahil papalapit ng papalapit na ang xmas, naghanap ako ng mga pedeng iregalo sa mga frendzter natin at sa mga mahal natin sa buhay. Heto ang ilan sa aking nakalap...

1. Presenting ang cellphone para sa mg jokla... NOKLA N95


2. Ang cellphone para sa mga INCOMPLETE (kulang ang pagiging O)...NCKIA N85E


3. At sa mga laging talo or ZERO sa exam ang BOKIA SERIES (wala akong makitang pics ng bokia)

4. Para sa mga kagaya ni PRES. OBAMA, sa mga pinagtampuhan ng kulay kagaya ko, sa mga Ulikba at sa mga frendz natin na nakatira sa AFRICA...BAWAL PUTIH biscuits from INDONESIA.

Photo from scofieldjr's NCKIA

5. At para sa mga siguradong may putok na mga friendster mo at di mo masabi, regaluhan siya ng ... SURE deodorant.


Galing dito ang picture:
www.pcpop.com
www.eemobi.cn
www.suredeodorant.com
UNTITLED
Naalaala niyo pa ba ang formal at informal theme sa subject na ingles then yung kathang pormal at di pormal sa filipino subject nung mga elementary pa tayo? Well, wala lang gusto ko lang sabihin na simula bata pa lang ay nagboblog na pala tayo. Yun nga lang si titcher lang ang nagbabasa at nagkokomment then nagkokorek using her red ball point. Na kung minsan hindi mo na makita ang pen na ginamit sa sobrang dami ng koreksyon at sa bandang taas ay ang lumalagapak na sitenta'y singko na grado (buti na lang nasa row ONE ako...heheheh, shifted child kase ako). Nakakamiss at nakakatuwang isipin na ang kapatid mong grade 4 ay nagsisimula ng magblog, na ang batang bading na kapitbahay mo ay unti- unti ng humahabi ng mga talinghaga sa pagbuo ng kwento habang sumasayaw sa saliw ng nobody. Siya nga pala ang una ko isinulat noon ay ang walang kamatayang "Ang Aking Talambuhay" at ang "My Autobiography" na nagkakabaligtad ng pwesto ang letter H at P.


19 MINUTES
Simula ng matapos ko ang THE TIME TRAVELLERS WIFE nung isang araw, heto't may bago na naman akong pagkakaabalahan aside from blogging & blog hopping. Kahapon pagkatapos kong bisitahin ang kapatid ko sa city, napadaan ako sa bookstore at umagaw sa aking atensyon ang librong ito...


Although, hindi yan ang mismong cover ang nakuha ko, yung may butterfly ang nabili ko (yun kase ang mas mura, $280 sa pera dito, equivalent to 400 sa peso, pero same ang content.) Heto yung nabili ko na copy...

Istorya ito ng isang insedente ng school shooting mula sa isang 17 year old na tinedyer na nagsuccumb sa peer pressure along with his bestfriend at ng isang ina na ang tanging hangad ay ang kabutihan ng anak. NINETEEN MINUTES, siguro almost 19 minutes yung scene ng shooting that tooks 10 lives. Anyways, hindi ako magaling magbigay ng isang snippet ng kwento, kaya heto ang nilalaman ng likod ng libro...

As a midwife, Lacy Houghton brings life into the world.

She didn't expect her son to take them away.

But that's what was he did one March morning, when Peter walked walked into his high school with guns intead of books & killed ten people.

Along with the rest of the shocked & grief-stricken town, Lacy is left wondering when her shy 17-year-old boy turned into a monster. And was it her fault?

In the aftermath of the shooting, Lacy searches the past for clues & begins to realise that despite, or perhaps because of, her every effort, she never really knew her son at all...

Sa isang copy ng NINETEEN MINUTES, iba ang sypnosis sa likod.

Good day to all bloggers!!!
WESTYON #1
Minsan sa ating buhay, may mga desisyon tayong undecided talaga. Yun bang parang napilitan ka lang, yung napa-oo ka lang, kase marami ang pumabor. Minsan naman may mga panahon na umayaw ka. Eh, paano kung sa pagayaw mo ay na-realize mong gusto mo pala, tapos gusto mong balikan, pero huli na ang lahat? Mahirap ang minsang binigyan tayo ng pagkakataon pero tinatanggihan natin. Mahirap ang magbakasali na pwede pa, kahit sa totoo hindi na. Nasa huli nga naman ang pagsisisi.

Anyways, natapos ko na at last ang "The Time Travellers Wife", sa almost a month of reading, (inuuna kase ang magfarmville). Maganda ang pagkakagawa ng istorya at naantig naman ang aking mumunting atay este puso pala. What if kung ikaw ay may same chrono-impaired condtion na katulad ng kay Henry, anu iyo gagawin?


SALAMAT TITSER
Sa kanila ako natutong magsulat.
Magbasa.
Kumanta.
Magdrowing. (kahit puro stick lang lumalabas kapag tao)
Tumula.
Magrecite ng "All Things Bright & Beautiful".
Mag-ispell ng chlorophyll at fuschia.
At magkompyut ng mga letra.

Sa kanila ko din natutunan ang magtinda (pati panis na kamote).
Manahi.
Magluto.
Maggantsilyo.
Gumawa ng minatamis na kamyas.
Magbungkal ng lupa. (walang sinabi ang farmville)...at
Gumawa ng kung anu-ano mula sa kung anu anong bagay.

Sa kanila ko nakilala si Jose Rizal.
Si Plato.
Si Darwin.
Si Armstrong.
Si Ghandi.
Si Shaider.
Si FPJ.
At kung sinu-sino pang lahat ng patay na.

Mula sa simpleng plus-minus hanggang sa Advanced Math.
History ng barangay hanggang sa World History,
Minsan pati history ng kapitbahay ko.
Nalalaman ko.

Kaya't kung anu't ano pa man.
Ang antas ng ating pinagaralan.
Saan ma't anuman ang ating narating
May Nerd man o Miss Tapia.
Iisa lang ang pinagmulan ng ating kaalaman.

Mula sa ating mga ina.
Hanggang sa lahat ng patuloy na nagbibigay ng karunungan,
At ng kaalaman.
Ako'y patuloy na nagpupugay,
At walang sawang nagpapasalamat sa ating...

Mga DAKILANG GURO.

Happy World Teachers Day!!!


Labels: , 0 comments | |
NEWSFLASH!!!
Newsflash!!!


Before PARMA (chinese name: PHA' MA & PEPENG in the Philippines) enters the Taiwan area of responsibility. The country experience an earthquake that estimated a magnitude 4 to 4.5, this morning of October the 4th. No casualties are found island wide.

Whats happening in the world today?
YO!!!
YO DUDES, WAZZUP
PAGKATAPOS NG TRAHEDYA...
PAGKATAPOS NG KABI-KABILANG KALAMIDAD...
ANDITO PA DIN TAYO.

SAMA-SAMA,
NAGKAKAISA,
TULONG-TULONG
AT PATULOY NA NAINIWALANG...

SA LIKOD NG DILIM, AY MAY LIWANAG.
AT SA BAWAT PAGSISIKAP, AY MABUTING AANIHIN.
HINDI SA FARMVILLE O SA FARMTOWN,
KUNDI SA PAGKATAO AT PAGIGING TAO NATIN

NAKAKAPAGOD? OO, TALAGANG NAKAKAPAGOD
ANG SUMAKAY SA BIYAHE NG BUHAY
NASASAKTAN, SUMASAYA AT NALULUNGKOT,
YAN ANG KARANIWAN MASASALUBONG MO.

SUBALIT SA BAWAT SAKIT AT PAIT
NATUTUTO TAYO.
NATUTUTO TAYONG, MAGING MATATAG
MAY PRINSIPYO AT MAY PANININDIGAN.

KAYA SA LAHAT NG NASASAKTAN,
SA LAHAT NG SUMASAYA,
AT SA LAHAT NG NALULUNGKOT,
NORMAL LANG PO YAN DAHIL TAYO AY...

TAO LAMANG

(LET US OFFER SOME PRAYER TO THOSE WHO PERISHED FROM THE WRATH OF TYPHOON ONDOY & DONATE IN ANY KIND (e.g. CLOTHES, FOOD, GOODS, MONEY) TO THE VICTIMS OF THIS TYPHOON)



Labels: , , 8 comments | |
Blog Widget by LinkWithin