Nung bata ako tuwing mahal na araw sa lugar namin or maski sa iba pang lugar, maraming bawal, bawal ang ganito, bawal ang ganyan, mga kasabihang hindi maintindihan ng mura kong isipan kung bakit sundin. Bawal ang maligo, bawal kumain ng baboy, bawal masugatan, bawal maglaro, kulang na lang pati huminga bawal. Siyempre musmos pa lang ako, sunod lang kami ng sunod sa mga kasabihan ng matatandang bulaan. At ang masaya kapag mahal na araw ay ang reunionnnnnnnnnn...oo, ito yung pagkakataon na magkakasama sama kaming magpipinsan mula sa manila, sa lipa at sa mindoro. Lahat sa bahay ng lola ko. Kapag gabi, siyempre bata kami, egsayted kami sa mg pasalubong nilang mga laruan mula sa tautauhan hanggang sa ibat ibang kulay at sizes ng jolens, opo, isa lang po akong dukha na matalino, kaya kahit may magagandang gamit ang mga sanpit ko, inggit naman sila kasi first honor ako sa iskul namin...beeeeehhhh.
Kapag mahal na araw, yun nga bawal maligo, masaya yun kase lahat kayo amoy araw, ok lang yun kase di ka naman nagiisa (noynoy ikaw ba yan), tapos kapatid ng bawal maligo ang bawal maglaro kase papawisan ka, pero siyempre bilang isang bata kaligayahan ang maglaro at heto ang mga pedeng laruin, bunong braso, patong (patungan ang goma ng kalaban sa pamamgitan ng pagpitik or gulatin ng kamay...hehehe), jolens (dito may apat na butas sa lupa at itatry mong pasyutan yun ng back & forth), sa mga girls at feeling girls ang walang kamatayang jackstone ang laro.
Ang highlight ng Mahal na Araw sa lugar namin ay ang pabasa ng barangay sa tuklong o kapilya namin, na umaabot ang boses ng mambabasa hanggang sa kabilang barangay. Kase dito may pagkain (yahooooo) na usually pansit at supdrinks courtesy of my lolo who is the kapitan of our barangay. At dito ko nalaman na mas PG pa (as in patay gutom) kesa sa amin ang mga pinsan kong may kaya. At dito ko rin naobserbahan na tuwing mahal na araw ay Full Moon. Ang pabasa ng barangay ang isang kaugalian at tradisyon ang masasabi kong nakalakhan ko na, at magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ginagawa sa lugar namin at sa mga karatig barangay ng aming munisipalidad ng Batangas.
Habang lumalaki kahit hindi ang height at bilang isang kristiyanong Pilipino, unti unti kong nauunawaan at nalaman ang lahat ng bawal na ipinapagawa sa amin ng mga elders. Nais lang nilang ipaalam na si papa Jesus ay naghirap, di naligo at namatay sa krus para sa ating mga kasalanan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
meron pang isang bawal sa mahal na araw..bawal daw magmura sa kapwa..yan ang hindi ko makalimutan kasi noong bata ako nasampal ako ng aking erpat dahil dyan..
@ruph, oo nga bawal din yan...hehhehe, wawa ka naman...
salamat sa pagdaan
Scofield Mabuhay ang lenten special entry mo. Ikaw na ang first honor at hindi matakaw ng pansit at sopdrenk.
Thank you! Bow!
@jepoy, ikaw na...heheheh