WALKERS
When the Walking Dead's "WALKERS" are tired of eating human flesh and if they are on diet this is what they eat....


This is a paid advertisement by the Walkers...opo, nameet ko sila kanina lang diyan sa may kanto and they're insisting & begging for me to post this on my blog for $100 dollars. lol. In farview, masarap siya at mapapalakad ka simula Aparri hanggang Jolo ng walang nararamdamang pagod at hungerness sa mga katawang lupa. hehehe



SINO! AKO?, AKO!, SINO?
Dahil dumadami na ang aking tagasubaybay (lol, meron ba), mga 40+ lang naman sila at yun po ay sa loob ng isang taon at kalahating dekada. Kahit na po ang ang iba ay sapilitan at kailangan pong tutukan ng baril, opo dinaan ko po sa dahas para lang i-follow ako (hahaha, joke lang) at para na rin makilala ako ng lubusan at mairekumend nila ako sa kani-kanilang mga friendship na nagbo-blog din, gumawa ako ng samu't saring intriga sa aking sarili ng may bahid katotohanan. At sa mga magsasabi na inggitero akong palaka, opo ingitero ako sa mga may post na may tema na gaya nito, at huwag nang makialam pa kase, bahay mo ba to? hahaha. Anyway, haywey here are some pointers on how you can know & recognize me sa may di kalayuan sa dako pa roon...

1. Matangkad ako, depende sa kasama, kapag si Mahal o si Mura, aba eh, higante ako, pero kapag ang koponan ng San Miguel eh, "sir, towel po!"...Matangkad din po ako sa malayuan! At magaling ang performance level. :)

2. Nagtapos ako ng elementarya sa isang probinsya na puno ng matatalino...(wag kokontra!) hehehe...may hhhhonor naman din po ako nung hhhelementary...Kasali din ako sa feeding program ng gobyerno noon sa mga batang malnourish at every month, may supply kami ng nutri ban, bulgor, green peas at kung anu anu pa, na kapag pinagsama-sama mo, magiging feeds na sa manukan. lolz! (thanks to Pres. Marcos)

3. Skulmeyt ko si Azel Valencia Vergara ng HodgePodge nung high school. Siya po ang company commander namin sa Platoon Charlie. Lagi po niya kaming pinapag-pumping salute....

4. Moreno, medyo kulot ang buhok, medyo sarat ang ilong. (talagang nilagyan ng medyo para hindi description ng ita...hehehe)

5. Hindi ako mahilig sa mga lab song. (heyreeetttt!).

6. Alternatives & RnB ang trip ko. Pero peyborit ko si Josh Groban.(sana madiscover din ako nila Tita Oprah, para makasama ko sila *chanting, chanting*...hahaha, in my dreams!)

7. Nagtapos ng kurong medisina sa Ateneo, kapatid sina Lucia, Paciano, Narcisa, Olympia, Saturnina, Maria, Concepcion, Josefa at Trinidad & Tobago. Naghimagsik laban sa Kastila...hahaha. Siya po ang idolo ko nung elementary, kasi sabi ni Mrs. Mendoza.

8. At dahil nga sa gusto kong maging bayani, nag o-ep-dabal-yu ako nung way back 20** at dito ako tinangay ng tadhana sa bansa ng mga taong dilaw (yellow raced) para maghasik este magbahagi ng karunungan na aking natutunan sa Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas (TUP) o yung tinatawag na Totoong Unibersidad ng Pilipinas...lol...(sori namen sa mga taga-UP! hahaha)

9. Masayahin ako. Kahit pag tulog. (Para sa panaginip hindi ako malungkot.)

10. Mahilig akong magbasa ng kung anu-ano, sa sobrang hilig ko pati yung mga chinese characters at arabic pati na rin yung sa mga Thailanders ay pilit ko pong binabasa at sa awa naman po ng Diyos, hindi ko maintindihan...lolz (nakakabasa po ako ng chinese characters sa totoong buhay & im looking forward na sana marami pa akong malaman, kase ang pagkakaalam ko mahigit sa 2000 ang kanilang characters at ang bawat apat na character ay may iisang bigkas at intonation lang ang pinagkaiba).

11. Scared much at ayoko ako sa mga ahas...ahas sa gubat at sa patag man.

12. Gusto kong makarating ng Boracay. Boracay ha! hindi Boraot! (Kase sa twing may plano ang tropa ng Boracay, imbes na maging Boarcay nagiging Boraot...)

13. Kapuso ako, Ka-Monster (RX93.1) at GLEEks din.

14. Naghihilik ako kapag pagod at sa tono ni Pavarotti.

15. Wish kong makasakay sa Bullet Train dito sa Taiwan bago ako umuwi.

16. Lumablayp at lumandi sa edad na 25. (oo, ikaw na ang hindi late bloomer!!! lol).

17. Nangarap kumita ng malaki at nag-apply sa Canada pero nabigo. (Hindi pa daw time para ibigay sa akin sabi ni Papa Jesus, kaya wait lang daw muna.)

18. Nagiinom akong mag-isa minsan. Hindi GIN ha! eewww!!! (Ano palagay mo sa akin foore!)

19. Ayokong matulog ng patay ang ilaw, maliban na lang kung may kahalay! hehehe!

20. At wini-wish ko na sana lolo ko si Dumbledore. hahaha

Ilan lang yan sa mga katangian kung sino ako. At sa mga nagnanais pa akong makilala tawagan nyo ako sa number na ito 0~9, (oo, zero to nine!) bahala na kayong magcombine-combine. lol.

Anyways this is me,
Pero hindi ko po likod yan...hehehe(dito galing). I'm just emphasizing the word "KING". Because, that's what my name means, in Latin.
BIBI AISHA...WOMAN
"A portrait of an Afghan woman disfigured as punishment for abandoning her marital home won the 2010 World Press Photo award for South African Jodi Bieber, organisers said on Friday."
-msn news-
Bibi Aisha at her Time Mag Pose & Bibi with her nose back with plastic surgery

Siya si Bibi Aisha, isa sa biktima ng karahasan sa kamay ng isang miyembro ng taliban mula sa Afghanistan. Nagka-asawa, inalipin at inalila sa edad na katorse. Nang hindi matiis ang pang-aabuso ng pamilya ng asawa, bumalik siya sa bahay ng kanyang ama. Subalit ng dahil sa mga tsismosong mga kapitbahay ay natunton ang kanyang kinalalagyan, kaya naman napilitan ang kanyang ama na ibalik muli sa asawa at sa pangako na rin na itatrato siya ng maayos. Subalit mas lumala ang sitwasyon. Isang araw habang magkasama sila ng asawa habang naglalakad, ay biglang tinaga ng kapatid ng asawa ang ilong at tenga ni Bibi, sa harap mismo ng iba pang Taliban members. Pagkatapos ng ginawa sa kanya ay iniwan siya sa kabundukan.

“I passed out, In the middle of the night it felt like there was cold water in my nose.” ayon sa isang interview sa kanya.

Sa kabila ng nangyari sa kanya ay nagawa pa niyang umuwi sa bahay ng kanyang lolo. At mula doon ay dinala siya sa ospital at kaagad na nilapatan ng pangunahing lunas.


Nakakalungkot isipin na may mga taong makakagawa ng ganun sa isang babae. Babae na dapat minamahal at inaalagaan. Babae na magiging kasama natin sa hirap at ginhawa, na magiging ina ng ating mga anak, na kukumpleto sa buhay natin. Marami sa atin, mismo sa Pilipinas ang nakakaras ng pagmamaltrato sa mga babae, mga babae na pinagsamantalahan at pinagtaksilan. Mga kaso ng pang-aabuso na minsan ay hindi na nabibigyan ng tamang hustisya. Na minsan ay nililimot na lang sa paglipas ng panahon. Nakakaawa subalit nakakabilib ang tapang nila at sa kabila ng ginawa sa kanilaa ay patuloy pa rin ang buhay. Buhay na puno ng pag-asa at bagong simula.



P.S. Walang maisulat kaya kung anu-anu na lang.... Happy Valentines to All!!!!

Labels: , 5 comments | |
BAWAL...(The Finale)
At ng magtama ang kanilang mga paningin, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tibok na ngayon lang niya naramdaman. Bibilis. Babagal. Hihinto. Bibilis muli. At habang ganito ang kanyang nararamdaman ay patuloy sa pag-slow motion move ang lahat ng nasa paligid maliban sa kanilang dalawa. Hanggang sa may narinig siyang....


"....Dont Cha! Dont you wish your girlfriend was hot like me? Dont Cha!....."


Ito ang musikang kanina pang nagpaplay sa loob ng supermarket. Paulit-ulit, pabalik-balik na animoy parang iisa lang ang laman na kanta ng CD na ginagamit. Isang minuto at kalahating araw pa lang ang lumilipas ng mapansin niyang parang lumalapit sa kanila ang mga taong kanina pang nag-i-slow-mo sa paggalaw. Papalapit. Dahan-dahan. Papalayo. Dahan-dahan. Muling lalapit. Hanggang sa sila ang maging sentro ng lahat ng taong naroroon. Patuloy sa pag-slow-mo ang mga tao sa loob ng supermarket at maging ang musika ay patuloy sa pagtugtog. Unti-unti. Dahan-dahan. Sabay-sabay. Papalapit. Papalayo. Sabay-sabay ang lahat, dahil.............


PRODUCTION NUMBER ito!!!


Patuloy sila sa pagsasayaw ng Dont Cha! subalit sa slow motion na pamamaraan. At ng malapit na sila sa katapusan ng kanta, biglang tumalon ang lalaki mula sa kintatayuan nitong hagdan. Huminto ang lahat maliban sa tugtog. At biglang bumagsak ang lalaki sa sahig..........



......ng naka- SPLIT.




Palakpakan ang lahat.

Ilang segundo at limang taon ang lumipas balik sa dating galaw ang lahat.


Bigla siyang umiyak.


-FIN-


Blog Widget by LinkWithin