Kwentong 'Wala Lang'
May mga bagay tayong nakasanayan sa Pilipinas na pagdating sa ibang bansa naiiba ang lahat ng ito. Mga gawing spiritwal, pansarili at minsan ang pang-araw araw na buhay. Kanina umattend ako ng mass at ngayong araw na ito namin isinagawa ang ash wednesday na supposed to be & obviously dapat nuong miyerkules. At kahit naging ash saturday, natuwa naman ako sa dami ng tao nagsimba, and it only means that, hindi pa din nawawala sa ating mga pinoy kahit dito sa abroad ang pagiging makarelihiyoso. Marami pa rin sa atin ang naniniwala kay papa Jesus, minsan nga naiisip ko, kung di pa tayo malalayo sa ating pamilya, hindi pa natin makikilala si Jesus. At ito din ang hudyat na nalalapit na ang mahal na araw, (lent season na ayon sa simbahan) panahon ng pagtitika, ng bisita iglesia, panahon ng reunion, ng tulian, ng pelikulang ITIM at ng mga noranians (dito kase usually puro nora aunor ang palabas sa TV). Naalaala ko tuloy ang kabataan ko, sabi ng matatandang bulaan sa lugar namin bawal daw maligo kapag mahal na araw, kaya hayun kahit amoy araw kami hindi kami naliligo, at sa araw din ng Holy Thursday at Good Friday, bawal masugatan kase hindi daw gagaling (kung magkagayon, panu ang mga nagpatuli?)

Dito ko rin nakita sa ibang bansa at naobserbahan na ang dating may asawa sa Pinas, ay isang binata o dalaga kapag nakatungtong na ng ibang lupa. Dala siguro ng pangungulila sa asawang naiwan, marami sa ating kababayan ang madaling matukso, na kadalasan ay humahantong sa pagkasira ng isang pamilya. Ang pinanghihinayangan ko lang, karamihan at usually na pumapatol sa mga may asawa ay iyong mga totoong dalaga, sa isip-isip ko siguro magaling lang talaga ang may asawa sa pag-aalaga, sa sex at sa pambobola versus sa mga totoong binata. (bitter... kase walang date ng valentines). At para sa mga faithful sa kanilang mga asawang naiwan sa Pinas, mabuhay kayo at sana wala kayong kalyo sa kamay...hehehe.

Pasensya na kayo dala siguro ng isang linggong ulan at lamig ng panahon na umaabot ng laging 10 to 11 degree,s ito lang ang nailabas ng aking utak at emosyon, ang maging bitter sa may mga karelasyon...hehehehe
1 Response
  1. Superjaid Says:

    hahaha wala akong masabi..basta natawa ako dun sana walang kalyo ang mga kamay nyo..hahahaha


Blog Widget by LinkWithin