Minsan ako'y nangarap...
Minsan ako'y nangarap...
...ng magandang bahay.
...ng magandang sasakyan.
...ng magandang damit.
...at ng magandang pamumuhay.

Minsan ako'y nangarap..
...para sa nanay at tatay ko.
...para sa kapatid kong bagong gradweyt.
...para sa sarili ko.
...at para sa kinabukasan ng magiging pamilya ko.

Minsan ako'y nangarap...
...makarating ng ibang bansa.
...makarating pa sa iba pang bansa.
...makarating sa bansang may yelo.
...upang doon kumita at makaipon.

Minsan ako'y nangarap...

Ang sarap kung ang lahat ng pangarap mo'y magkakatotoo. Paano kung pangarap mo ay bigla na lang naglaho ng parang bula? Ano ang gagawin mo? Minsan ako'y nangarap na makapunta at makapagtrabaho sa Hilagang parte ng kontinenteng Amerika, sa pag-asang kumita ng malaki para sa pamilya, para mapaayos ang bahay na halos magswimming sa loob habang umuulan. Ewan ko ba kung bakit hindi pa ako nakunteto dito sa bansa ng mga taong dilaw (Yellow Race) gayong halos 6 years na rin naman akong naandito, gayong hindi rin naman kaliitan ang kinikita dito. Siguro nga or totoo talagang walang kakuntentuhan ang tao, (binigyan na nga ng Diyos ng isa, humihirit pa). Haizzt!!! Panahon, oras, at pera ang nasayang. Na-ban pa ako ng two years sa pagaaply ng visa patungong sa bansa sa Hilagang Amerika. Nagkarecord pa tuloy at kasabay ng mga niyebeng unti unting natutunaw ay ang mga pangarap ko sa aking pamilya at sa aking kinabukasan. Tsk! Tsk! Tsk!

Pero hindi natin kailangan sumuko sa anumang kabiguang ating naranasan bagkus ito ang magiging sandata natin upang harapin ang anumang hamon ng buhay (GMA-Kapuso), upang muling mangarap, muling tuparin at sundin ang anumang plano ng Dakilang Lumikha. Siguro nga hindi plano ng Diyos na akoy makarating sa bansang puno ng yelo, siguro dahil sa...A) akoy may rayuma, B) baka hindi ko kayanin ang lamig at akoy manigas at bawian ng buhay ng maaga, C) baka gamitin ko sa halohalo ang mga yelo naandun, D) ambisyoso akong pumuti or E) lahat ng nabanggit di angkop sa mga batang manonood patnubay ng magulang ang kailangan.

Anim na buwan mula ngayon, babalik na ako sa lupang sinilangan. Muli magsisimula ako sa umpisa. Umpisa ng bagong pag-asa ng naayon sa kagustuhan ng Diyos. Lately kasi, feeling ko anlayo layo ko sa KANYA, andami kong tanong na halos lahat ng kasagutan ay SIYA. O siya, matutulog na muna ako, pasok pa mamaya...

Labels: , , , |
5 Responses
  1. 2ngaw Says:

    Hehehe :D Wag ka lang tumigil sa pagtupad nito at wag mawalan ng pag asa, kung para sayo ibibigay Nya yan...kung hindi man, makuntento na tayo sa kung anong meron tayo dahil alam Nyang mas makakabuti yan para sayo :)


  2. Null Says:

    habang may buhay may pag-asa!

    life is too short to end up with regrets... do whatever you have to do before He takes everything back. :)


  3. iya_khin Says:

    hmmmm....yeh right,life's full of offer it's up to you how to handle...but if we let Him take over and drive our life it'll be sure we're on the right track! hirap kasi sa atin nagmamadali eh!


  4. na inspire ka ba sa halo halo ko? haha. parekoy. hindi lang sa lugar na may snow pwedeng kumita ng pera. kung narito ka nga at tamad ka ala rin.


  5. saul krisna Says:

    teka natulala ako sa post mo ah... ganda ng post dami mo din pangarap... may isa lang akong pangarap eh.... MANALO SA LOTTO!! joke lang


Blog Widget by LinkWithin