wan.....tu.....tri, saan ba natin laging naririnig yan? Una, kapag kodakan o piktyuran at kapa binaligtan naman (hindi ko sinabing ibaligtad ang pagbabasa!) tri...tu...wan, (may tama ka!) kapag.... may countdown. Ikalawa, sa school kapag tinuruan tayong magbilang, sila ang unang tatlong bilang ng numero, at ikatlo, heto na, sa mga drayber ng dyip, isa itong omen kumbaga, lalo na't mga estudyante ang sasakay...pertaining to those who are not paying their fare. Naalaala ko nung college ako, yung mga drayber ng San Andres Bukid - Padre Faura bound, ayaw magpasakay ng mga estudyante ng Araullo High kase ba naman babae at lalaki mahilig mag wan...tu...tri. At dahil popoy inosentes pa ko nun hindi ko alam ang ibig sabihin ng 1,2,3, hanggang isang araw sa pagmamadali at dahil pre-lims namin, nakasalubong ko ang isang poste ng Meralco sa tapat ng Manila Science High na siyang nagbigay daan upang mabigkas ko ang mga katagang wan...tu...tri... sabay takbo. Simula noon hindi na ko Popoy Inosentes bagkus isa na kong henyo sa Pinoy Henyo Pop Cola Edition.
Dahil isa lang akong estudyante ng isang State U sa Manila, nagobserve ako sa ibat ibang paraan ng paggamit ng 1,2,3 sa dyip. Bukod sa pagsabit kahit maluwag ang loob, may ibang pang paraan, gaya ng abot system, yung uupo ka mismo sa dulo sa malapit sa likod ng drayber. And this is how it goes, iaabot ng di mo knows na pasengger ang mismong bayad nya, tapos pag ikaw na ang magaabot, sasabihin mo, sa mahinang boses na kayo lang ng drayber ang makakarinig na "ma!, bayad ko!!!" (kapalmuks din ang tawag dyan). Next eto naman, uupo ka sa malapit sa babaan taz kapag nagred na ang stop light, siyempre parang stop dance at duon mo paiiralin ang kapangyarihan mong magfreeze ng time at kapag all set na sa mind mo na nakafreeze na sila, go to the next level, sibat to the max ka na...Minsan yung ibang kapalmuks dahil talagang wala pambayad, parang wala lang, nagfefeeling feelingan na lang sya na amin tong dyip na to, may reklamo. At para doon naman sa tapat na nagbabayad, isa kayong mabuting citizen ng bansang Pilipinas at siyempre kasama ako dun, hehehe.
Kahapon dahil linggo at restday ko tapos maganda pa ang sikat ng araw kahit na malamig pa rin ang panahon, lumabas ako at nagplanong pumunta ng citeeeeeee para lang kumain sa subway at mag-sip ng coffee sa starbucks while reminiscing life. At dahil nakasabay ko ang isa kong katropa sa ibang company naiba ng way ang lakad ko instead na sa city at the south, napunta ako sa city at the north where the Gotham City is. At siyempre we need to used train para makarating doon, at dahil wala kaming timetable ng train, sakto na pagdating namin dumating ang tren, but then we need to get ticket first para makapasok, since na mahaba ang pila dahil sa mga tatanga tanga Vietnamese na mga mukhang suso (snail), hindi na kami nagbayad ng ticket at nagdecide na sa loob na lang ng tren magbabayad, kase usually may konduktor naman na nagtiticket sa loob. So patakbong kaming pumasok sa flatform 9 & three quarters kahit na habol ang tingin ng guard samin... keber. Bago namin sapitin ang station na babaan namin, dadaan muna ang tren sa ilang piling station sa ilang piling suking tindahan para tanungin kung may copy sila ng pelikula nina Bea at JohnLloyd (avid fan sila,hehehe). Dahil sa hindi pa nga kami nakakabayad (oo, akoy isang tapat na mamamayang Pilipino sa ibang bansa...walang kokontra) patumbling kong hinanap ang konduktor simula sa carrier 1 to carrier 9 ng tren , kaso nabigo ako, wala siya, hindi ko alam kung sumaydlyn pa si manong. So ang nangyari nakarating kami sa station na bababaan namin ng di pa nagbabayad.
At heto na, siyempre nakalabas na kami ng tren na baliktaran ang upuan, (oo, hindi siya katulad ng nasa gilid lang ang upuan or yung by row & column, pa letter L siya na salitan), paglabas namin tren, may inspector sa paglabas at kelangan isurrender ang ticket para daw may koleksyon at memorabillia sila, hehehe. Dahil nga wala kaming ticket at hindi makakalabas ng wala nun, naghanap kami ng adjustment booth para magbayad, namputsa ng makita namin kung magkano ang babayaran plus 50% ng fare mula sa pinanggalingan mo, so ang magyayari aabot ng kulang kulang at mahigit ang babayaran namin each, eh wala pa naman akong withdraw (as if may wiwithdrawhin). Dito na biglang pumasok ang mahiwagang bumbilya na umiilaw sa bandang right side ng ulo mo sa panahon ng pangangailangan. At dito ko rin ipinasok ang isa kong natutunan sa mga 1,2,3 dyip experience ko. Kahit na kinakabahan, (alam mo yung isang, hoy lang, mapapaihi ka na) I freeze the time then sumabay sa karamihan at nagfeeling na akin tong tren na to &...walahhh!!!, I made it. Napa shit ako paglabas namin ng tropa ko, for the very first time ay hindi second time pala in my life na nag wan..tu...tri ako, dito ako kinabahan ng todo, alam mo yung feeling ng halos lahat ng tao nakatangin sa yo at nagsasabing, ayan kase, tarantado ka kase at kung anu anu pa, na para bang kasalanan mo bakit magkakaroong end of the world sa 2012, ganun ganun mismo ang feeling ko ng time na yun. At dahil dyan may nag textttttttttttt.....
"this is the guard from the train station, we caught you & your friend on the camera for not surrendering your ticket where you are off to. Please report tomorrow for a coffee time & a little chat cause i found out your HOTTTT."
HAPPY WEEKDAYS!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hehehe :D Uso din pala jan yung 1..2..3 lolzz
Naalala ko lang ung nabalita ang Girls High Baguio sa TV Patrol, isipin mo yun ah babae pa! nagwawan tu tri sa jip! :D
Hindi kasi ako sanay mag wan tu tri, malamang nakokonsesnya na ako at medyo hindi na makatulog!hahahah
Pero ayos yan ah magawa nga yan sa MRT at LRT baka pwede!
Ingat
katakot! wala ka pa sa sarili mong bayan! good thing hindi ka nahuli.
tsk tsk pero dun sa may nag txt bigla yata ako napaisip kung totoo itong kwento na to? hehe
wag ganun masama yun scofield LOL
@lord, nagkataon lang napasama lang ako sa katropa ko at wala akong balak talagang gumawa ng ganun.
@DRAKE, kaya nga sabi ko sa katropa ko kelangan nating magsimba dahil sa ginawa natin...
@roanne, katakot talaga, kabdong kabado kaya ako ng mga oras na yun...totoo yung wento ko except dun sa nagtext...hehehhe
@jepoy, opo kuya...hindi na po mauulit...lol
hahaha!! bad ka!!
pero congratulations! ill see u in hell. hahahaha!
hahaha nagawa ko na rin to pero di ko naman sinasadyang hindi magbayad..nakalilmutan ko alng talaga..heheheh
@chikletz, hahaha, nde naman ako bad gaya ni jaid di ko naman sinasadyang di magbayad...nadamay lang ako...
@jaid,haahaa, ikaw ata yung nakasabay ko....
ingatz
Haha pinabalik coz you're hot baka bigyan ka ng unlimited pass hahaha
@glentot, salamat po sa pagdaan, sana nga magbigay...lol