FOODS THAT FIGHT FAT
After reading this health 'thingy' on yahoo news about the 7 foods that fight fat, I  almost die laughing on some of the comments at the bottom of the article. 


Try this....

Tagore about an hour ago
Try nyo walang pera at trabaho...siguradong mangangayayat ka.



(Kuya Tagore, malamang dedbol ka na rin)

**********

Ma.Concepcion 2 hours ago

Yun ang tawag sa patatas? Spud? Hehe


At ginamitan ko daw ng wiki. (The name spud for a small potato comes from the digging of soil (or a hole) prior to the planting of potatoes. The word is of unknown origin and was originally (c. 1440) used as a term for a short knife or dagger, probably related to Dutch spyd and/or the Latin "spad-" root meaning "sword"; cf. Spanish "espada", English "spade" and "spadroon". The word spud traces back to the 16th century.)  


**********


Linda 3 hours ago
try nyo walking ,,,morning and evening



(Paging The Walking Dead Producer, may nakawalang walker dito!) 


**********

Liza 4 hours ago
yes!!hataw na lang kyo and limit sa rice epective yan....+




(Epective with letter 'p' talaga?)


**********
Chuva 5 hours ago
kun diet ang paguusapan, gayahin nyo japanese diet.....they have the longest lifespan in the world, ganon lang ka simple, ang baba ng heart disease rate, obesity rate, cancer rate at stroke rate nila, very simple......2 raw eggs a day cooked by the heat of freshly cooked rice

(Ok, guys lets do this, '2 eggs a day cooked by the heat'. Sama-sama tayong magpainit ng itlog sa gitna ng araw. Lolz!)



**********

MarlynV 5 hours ago
dance waka waka 6x everyday while watching t.v.patrol thru tfc.sure you'll lose weight,not boring plus drink a lot of water eat less carb,take plenty fruits and fresh vegetables,sleep 8 hours/24 hours have a good job and avoid stress to become healthy and don''t forget to pray.

(panalo, dancing waka waka, to the tune of gus abelgas while reporting! ma-try ko nga rin yan! lolz)



**********

Cryolagirl 6 hours ago
have plenty of sex..



(ikaw na ang may sex life!) 




***********

Kung merong makukulit na comment meron din namang dinibdib, sineryoso at kinarir, for the benefit of the readers/others.

Edith 6 hours ago
Self discipline and motivation is the best way to lose weight. If your goal is to lose weight, focus on it.

Alonne 4 hours ago

go to gym everyday or as you can,for maximum of just 1hour & 30minuts in gym for the beginners and do with good programs from the staff and simply follow what they said,and avoid fatty foods of course take a balance diet please..

Dan F 7 hours ago
From my experience the person who wrote this doesn't know what they're talking about. Everything mentioned here for people losing weight are exactly the same things needed to gain weight (a problem I have had all my life). Greasy eggs on toast, look at all that grease, dairy products, cheese and milk, all the things to put on weight.
Unless there is a motabilism problem the only thing fat people need to do is reduce the amount they eat and don't have pizzas and fast food all the time. Its really very simple but needs a strong attitude.
Now putting on weight is the real problem, peoplw (including doctors/dieticians) don't realise its just as bad for your health to be underweight. Milky weight gains are full of bad stuff, milk is fatty and bad for the heart.
Bottom line, if you want to post a headline like this, use someone who knows what they are talking about.
Remember for years these do gooders have been saying coffee is bad for you, now it turns out its good for you doh !!!!!!



**********


By the way, here are the 7 foods that fight fat.

1. Spuds (sosyal! patatas lang pala). Spuds have a bad reputation for its high carbs, but because they are thrice as filling as a slice of white bread, it tops all food when it the satiety index. In addition, the starch in potatoes helps burn body fat.

Make potato diet with all your heart...


2.Oranges. Oranges rank the highest in the list of satisfying fruits. The fiber fights fat, ergo -- if you eat more fiber, you'll have less flab. So go grab an orange.

 Straight from the tree...


3. MilkMilk, particularly skim milk, contain proteins (whey and casein) that can make you feel more satisfied than sugary drinks and tells your brain you've had enough to eat.

Not from her...hehehe. 



But from this giant bottle on your roof mixed with rain...lol!


Milk photo credit from here. 


4. Pine NutsPine nuts contain fatty acids that boost hormones that make you feel full and keep belly fat away.

Ok pine! hehehe. Zushial naman, can i use peanut, instead. Can't afford eh!


5. ChocolatesAnother reason to indulge in chocolate: Compounds in chocolate slows down digestion, so you'll eat less at your next meal. A small piece of chocolate can also help curb your cravings for salty, sweet and fatty food.

How can you eat these poor little babies? Chocolate Babies.


Photo from here.


6. EggsEggs are loaded with protein and the amino acids in egg whites help build lean muscle that may help your metabolism. Have them for breakfast, and it can curb your appetite.

I wonder how those little babies are being concepted.



7. CheeseCheese from grass-fed animals like goat and feta cheese contain conjugated linoleic acid (CLA) that helps you feel full and burn more fat. Cottage cheese on the other hand contains whey protein that tells your brain you've had enough to eat as well.

Rose of titanic once said "Can you paint me with these, wearing only this"......... "cheese bra."




********

Foods are only supplements to sustained our energy in everyday life. And getting fat is not an issue. The issue here is how to carry yourself & how proud you are on the gifts that God has given to you. 
-rhyckz-

MISSING LEAD DATA
Oktubre 2003
Nang una kitang masilayan
Sa pahayagang may dalang pangako
Para sa trabahong mula sa ibayo.

Kapos man sa salapi
Ako'y iyong pinili
Upang sa iyo'y maglingkod
Nang tapat at ng buong puso.

Masakit mang malayo
Sa pamilyang mahal, ako'y mag-isang humayo.
At sa luha ng pamamaalam
Pag-asa ang aking laging inaasam.

At sa aking paglipad,
baon ko'y masasayang sandali.
Mula sa pamilyang
sa akin ay kumandili.


Sa aking paglapag

Malamig na hangin
Ang agad na salubong mo sa akin.
O Taiwan kong mahal

Nang una kitang makita ako'y namangha
Sa ganda ng gusali na animo'y sa hari
At sa aking pagdating, ikaw ay nagningning,
Upang ako ay iyong makapiling.

Ako ay iyong inaruga
Sa loob ng mahabang taon
Sa lungkot at saya
Ay kapiling kita, at naging karamay din.

Ikaw ang naging saksi,
Sa lahat ng nangyari
Sa buhay kong pinili.
Sa ibayong dagat na aking minithi.

Oktubre 2006
Nang ako'y magpaalam
Upang bumalik Sa lupang kinagisnan.
At sa aking pag-alis, lungkot ang naghari.
.
.
.
.
.
Wala na akong maisip,
Na isusunod pang mga kataga, kaya dideretsuhin ko na
Ang aking pakay sa paggawa
Nitong tulang walang kwenta.
.
.
.
.

Miss na kita LEAD DATA.....



**************
Namiss ko lang ang unang kumpanyang pinaglingkuran ko dito sa Taiwan, ang LEAD DATA Corporation. Sa loob ng tatlong taon kong pamamalagi kasi, hindi ko lubos akalain na darating ang punto na magsasara ang kumpanya. Dala na rin siguro ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya, at dinagdagan pa ng trahedyang naganap sa Japan nung Marso (SONY, JAPAN ang pangunahing customer namin), tuluyan ng bumigay ang kompanyang nagpasuweldo at tumulong sa akin, at sa aking pamilya. 


Lead Data is a professional optical disc manufacturer for SONY,Japan, CD-R King, IMATION & MELODY.


NASAAN KA ELISA?
Bata pa lang ako uso na ang mga teleserye, telenovela at soap opera(iisa lang yun ah!). Katunayan naging kasabayan ko na sa paglaki ang ilan sa kanila sina Mara at Clara, Esperanza, Anna Luna, Anna Karenina, Ula, at ibat iba pang pangalang pambabae. Simula noon hanggang sa mga panahon ngayon patuloy ko pa ring iniisip kung bakit puro pangalan lang ng babae ang ginagawang title ng mga soap opera's at teleserye's(oo, may 's' talaga, kase marami na sila). 

Bakit nga ba hindi pwede ang Ambo? ang Eustaquio? o di kaya naman ay Esperdion Halinghing? Kunsabagay ampangit nga naman kung  sasabihin mo or maririnig mo sa iyong kasamahan sa opisina, sa eskwela at sa kalye na, "uy, pare, bilisan mo na manonood pa ako ng Ambo or ng Eustaquio". Ansagwang pakinggan di ba? Siguro nga kasama na sa kultura at nakagisnan natin na iyakin ang mga babae, kaya halos ng ganitong uri ng tema ng palabas telebisyon ay sa mga babae ang karaniwang ipinapamagat. Sabi nga iba, ang mga babae lang daw ang magaling gumawa ng iyak...nang iyak na isang mata lang ang lumuluha at pataas pa. 

Saludo ako sa mga gumagawa ng orihinal na kathang may temang kagaya ng dramang ganito, yung nakakakuha ng simpatya ng tao, yung talagang tatatak sa isipan ng masa at sa bawat manonood ang mga pagkatao ng bawat karakter na gumaganap at ginagampanan. 

Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon ay kokonti na lang may kakayanan na gumawa ng mga orihinal na temang dramang pantelebisyon. Karaniwan ngayon ay remake o di ka na naman ay franchise at ginawang tagalog ang mga dramang mula sa Korea, Taiwan, Argentina at Mexico. 

At sa dami na ng napanood kong soap opera, ngayon lang ako nakakita i mean nakarinig ng may patanong sa title, gaya ng Nasaan ka Elisa? or Nasaan si Elisa? ba yon. Aktuli wala pa akong napapanood na episode ng palabas na yan at ni hindi ko nga alam kung kelan siya nag-pilot, narinig ko lang sa kasamahan ko sa Choir na may palabas na ganyan. At ng marinig ko ng banggitin niya ang title ng palabas sa tv ngayon, isa sa mga kasamahan ko ang sumagot ng "Hindi ko alam, bat sa akin nyo hahanapin". 



Anyways,



Dahil sa naging curious ako kung nasaan talaga si Elisa. Heto ang mga narinig kong bulong bulungan mula sa mga tsimoso't tsismosa.

1. Mula sa isang tagahatid ng softdrinks sa isang sari-sari store.
"Si Elisa? sinong elisa? Ah! yung nakatira kina kuwan, pre anu nga bang pangalan nun, yung napagtanungan natin kung saan ang daan papuntang Eskinita Avenue at penge ngang isang istik ng sigarilyo".

2. Mula naman sa isang bading sa parlor.
"eklabooo, eklabooo, eklabooo." (translates as "the sun is the center of the solar system and the object moving around it are the planets.")

3. Mula kay Aling Karya na tindera ng balot sa kanto ng corner Adriatico.
"Ayon sa mga balita at mga sabi sabi siya daw ay matagal ng gumagala-gala dito sa Maynila, may nakakita nga raw sa kalating katawan sa may Spratlys na ginagawang poste ng mga Chinese."

4. Mula sa isang kolehiyala.
"Yuckk! your so baduy (with matching rolling of eyes in one complete revolution). Grabeh! Elisa who? Durrrr! (sabay pulot sa nahulog na tokneneng then shoot sa bibig, sabay sabi ng 'wala pang 1 minute.')"

5. Mula sa lasingero sa kanto.
"Kita mo yun, hik! kumaliwa sa kanto na yun, hik! tas kapag may nakita kang aso sundan mo at huwag kang papayag na ikaw ang susundan ng aso, ha!. Kung wala namang aso, bumalik ka na lang dito at inuman tayo, hik!"

6. From an OFW in Libya being interviewed by the media.
"Kitang kita ko po kung paano kami pinalis ng aming tirahan at dinala sa isang madilim na lugar at doon, isa-isa kaming hinubaran at saka.......................kinulutan at pinedecuran ng mga bading na libyan"

7. Ayon sa mga Bhuddist, si Elisa ay isa nang beauty queen....




Watch Nasaan Si Elisa? in ABS-CBN, gabi-gabi.
IMS CONTEST: NGITI
"Aanhin ko ang yaman at ang kakisigan.
Kung hindi ko naman masisilayan.
Ang magandang NGITI.
 Na magmumula sa iyong mga labi."






Salamat sa mabubuting sponsors ng SMILE Quotes Contest: Field of Dreams, Alohagems on Squidoo, ISP101 at from the dungeon.

MY HAM
Umaga pa lang ay feeling ko maghapon na naman akong tatambay sa trabaho at makikipaglalaro sa galit na galit kong angry bird. At habang ako'y nagtitikol este nag-aabang ng matatrabaho biglang bumalaga sa gitna ng kasarapan ng pag-iimadyin ko kay Christine Reyes ang isang gagong Chinese. Napamura ako ng times10 to 100th power. (Minura mo na, ngingitian ka pa). Anyways, bumawi naman siya. Nagulat lang ako ng idikit niya ang kanyang mukha malapit sa ilong kong pango, sabay tanong ng ganito gamit ang kanyang bedroom voice...


"Hey, Rex, do you know this song?"


Ambang bubuka pa lang ang bibig ko para sumagot ng biglang mag-explode na parang dinamitang inihagis sa dagat ang kanyang saliva buti na lang at biglang lumaki ang halaman na sumasangga sa bumabagsak na pana mula sa mga zombies. (oo, nagpurchase ako nun nung isang araw sa halagang 125 suns.) at bumanat ng ganire....


"What's will I do with all your jump, all your jump. 
All your jump is Africa.
I kikikikickkkkk you out, kick you out.


She got you splendor (ohh I want your money, your money, money)... at inulit.
She got you splendor (ohh I want your money, your money, money)... di pa nakuntento inulit-ulit pa ng 1million times 10 exponent50.


Huminto siya ng ilang segundo. Sa ilang segundo na yon, magtatanong sana ako ng biglang ilapat nya ang kanyang forefinger sa bibig ko, senyas na di pa siya tapos. OK, payn sagot ko tapos tuloy siya sa kanyang kanta...


"what's I'll gonna do with all your jump. (jump talaga ang gusto!)
My ham, my ham, my ham, my hammmm"
(then balik sa may "shes got you splendor....)


Nang matapos siya, tinanong ko kung anong title ng kanta, ang sagot sa akin ay.....


MY HAM!!!!




Sabi ko naman, what brand, SPAM, hindi yun my ham kundi....


MY HUM!!!


Tawa ako ng ten fold at sabay tumbling hanggang Croatia.

MY NEW PHONE
The last time i check, i lost my cellphone while celebrating Mid-Autumn festival. 




Now, i got my newest one.




And this time i purchased, an android phone from ACER




It is called....




ACER LIQUID TOUCH S100







It has the same function of the most android phones in the market today. It gets some things really right: the screen is a good size and resolution and responsive enough and the essentials are covered: HSDPA, GPS, Wi-Fi, Bluetooth. 

For those looking for an Android device that hasn't been tinkered with too much, then this might be worth investigating, but beware what looks like some minor software bugs.

And it costs $NT10400 (Php15288), here.



Datasheet:State:Preliminary specifications
Release-Date:December, 2009
Project;Codename:Acer A1 
Dimensions:62.5 x 115 x 12.5 millimetres
Mass:135 grams (battery included)

Software;Environment

Embedded_Operating_System:Google Android 1.6
Browse devices running this OS

Microprocessor,+Chipset

CPU+Clock:768 MHz
CPU:Qualcomm Snapdragon QSD8250
Browse devices based on this microprocessor

Memory,_Storage:capacity

RAM:capacity:256 MiB
ROM+capacity:512 MiB

Display

Display+Type:color transflective TFT , 65536 scales
Display-Diagonal:3.5 "
Display+Resolution:480 x 800

Sound

Microphone(s):mono
Loudspeaker(s):stereo
Audio:Output:3.5mm

Cellular:Phone

Cellular-Networks:GSM850, GSM900, GSM1800, GSM1900, UMTS900, UMTS1900, UMTS2100
Cellular+Data:Links:CSD, GPRS, EDGE, UMTS, HSDPA, HSUPA
Call_Alert:40 -chord melody
Vibrating:Alert:Supported
Speakerphone+:Supported

Control:Peripherals

Positioning-Device:Touchscreen
Primary-Keyboard:Not supported
Directional_Pad:Not supported
Scroll+Wheel:Not supported

Interfaces

Expansion:Slots:microSD, microSDHC, TransFlash, SDIO
USB:USB 2.0 client, 480Mbit/s
mini-USB
Bluetooth:Bluetooth 2.0 + EDR
Wireless-LAN:802.11g
Infrared;Gate:Not supported

Multimedia:Telecommunication

Analog+Radio-Receiver:Not supported
Digital-Media_Broadcast;Tuner:Not supported

Satellite;Navigation

Built-in_GPS+module:Supported
Complementary-GPS_Services:Assisted GPS, QuickGPS, Geotagging

Built-in+Digital-Camera

Main:Camera:4.9 MP
Autofocus_(AF):Supported
Optical-Zoom:1 x

Additional;Details

Built-in;accelerometer:Supported
Battery:removable
Battery;Capacity:1350 mAh - Click here for stronger battery


More here















IN MEMORIAM...
Matagal-tagal na rin kitang kasama, halos isang taon na ang lumilipas. Naalala ko tuloy  noong una kitang makita, napatunganga ako sa iyong kasimplehan, hindi ka gaanong makolorete at sa isip-isip ko, ah! bagay na bagay ka sa isang ordinaryong taong tulad ko. Akala ko nga hindi tayo magkakasundo, kasi, nung nasa 'getting to know each other' stage pa lang tayo, marami akong hindi maintindihan sa iyo, may mga ayaw ka na gusto ko naman or vice versa. Mahirap para sa akin, dahil mas madalas yung gusto mo ang nasusunod, wala naman akong magawa, kasi masaya rin ako sa gusto mo, at sa mga times naman na pinagbibigyan mo ako, mas lalo akong sumasaya. Halos ilang buwan din, bago tayo tuluyang nagkalagayan ng loob. 

Naging kasama kita sa lahat ng lakad ko, simula sa New Year countdown sa Taipei 101 noong 2011, hanggang sa umakyat tayo ng sabay sa halos 11,227 ft ng Mt. He Huan (Joy Mountain) upang makakita lang ng snow. (First time kong makakita ng snow at ang una kong impression, totoo palang malamig. LOL!)

Ikaw rin ang kasama ko noong Chinese New Year, kahit hindi ako chinese, binigyan mo pa rin ako ng magagandang memories ng okasyong ito. At nito lang nakaraang Hunyo, tayo pa rin ang magkasamang sumakay ng Screaming Condor at ng Ring of Fire sa Leo Foo Village. Ikaw rin ang unang nakakarinig at nakakaalam ng mga magaganda at masasamang balita mula sa aking pamilya sa Pilipinas. Napakasaya ko lagi kapag kasama kita, feeling ko inlab na ko sa yo eh. Lol! 

At nitong nakaraang linggo lang, habang sineselebreyt natin ang Mid-Autumn Festival ng bansang kumalinga sa akin ng halos walong taon ay inagaw ka sa akin ng mga masasamang loob. Di ko sukat akalain na ito na ang simula ng ating paghihiwalay....


Miss na kita....


HTC Wildfire.









Blog Widget by LinkWithin