Kahapon habang walang magawa sa loob ng production kundi ang mangharot sa mga operator at magpakyut sa mga girls ay tinanong ako ng isang kapwa engineer na chinese kung ano daw tawag sa elevator.
Eng. Hsu: (in chinese!)"Eng'r, what is the english of an elevator"
Me: "Elevator!", walang kagatol gatol kong sagot.
Eng. Hsu: No!
Me: "Huh! Why? If not elevator, then what? aberrr!"
Eng. Hsu: Eeeetttt issss an UP/DOWN machine!!!" (sabay tawang aso!)
Gusto ko tuloy tumambling hanggang North pole ng mga oras na yun pero maraming nakadown na machine at baka hindi ko kayanin kase umatake ang rayuma ko sa sobrang lamig dito!
***********
At hindi lang yun meron pa. Pero this time sinakyan ko na ang trip niya kaya tinanong ko siya sa iba pang mga bagay...
(In Chinese!)
How about the Refrigerator, i asked, then he said, "Cold Machine".
An electric Fan, then he said, "Air Machine".
What about Microwave? "Hot Machine", he answered.
***********
Since this is my 50th post and the last for the year 2010, I would like to thank all the people who followed me since I started on 2009. Thank you guys for believing in me. Salamat sa lahat ng comments, spending & giving time to visit & reading my post. I hope that you enjoyed even a little. And also I would like to take this opportunity to thank you all guys for sharing your ideas to others and for touching my emotion, for making me laugh to the fullest and for inspiring me to do great things & for believing & trusting myself more. I also like to thank God for everything, for the talent, the knowledge & strength, & for giving the gift to love...
*********
And since uso na naman ang mga new years resolution, isasama ko na dito ang new years resolution ko para isahang post na lang. Heto ang ilan.....
Magsasave na ako this year.
Maghahanap na ako ng mapapangasawa this year.
Magtatry akong magchange ng location & job.
Hindi na ako magiging makulit.
Magdadagdag na ako ng post sa blog.
Magpapayat na ako at mageexcercise.
Tatawag na ako ng madalas sa bahay.
Iiwasan ko ng bumili ng mga Adidas items. (nike naman..lolz!)
More active sa church.
Gigising na ng Maaga.
More Self discipline.
More Mature in all matters of life.
HAPPY NEW YEAR!!!
Dahil naapruban ang aking 3 days na leave sa aking pinagpuputahan, magliliwaliw ako ng bonggang bongga. To name a few ng aking mga nakaschedule na gagawin ay heto, maglalaba, matutulog, maglilinis ng bed, magtitikol, matutulog, magfafacebook, matutulog (hehehe!!!ginto kase ang pagtulog dito, kaya bawal ang maingay!), pupunta ng Taipei 101, dadaan ng Flora Expo at sasalubungin ang 2011 while watching fireworks display sa Taipei 101 na hatid ng Taiwan government tourism board.
Pero bago ang lahat ng yan ay nais kong ibahagi at ipost ang ang aking pinag-isipan at masusing hinusgahan, pinagpuyatan (hanggang sa magmukhang WALKERS) na nominasyon sa TABA 2010 na pakulo ni Zyra ng adodcespresso.com.
Dahil laging sa huli ibinibigay ang Lifetime Achievement Award, ay uunahin ko ito. At ito mapupunta kay Fr. Felmar Castrodes Fiel. Wala ng iba pa!
Best Post of the Year - Fr. Felmar Castrodes Fiel's Silip sa Buhay Pari
Best Humor Video Post - Jason Hamster's Fireflies. The next Charice!!! hahaha.
Photoblogger of the Year - Lawstude
Most Active Blogger (FB) - Yanah, & Melisa Cathedral. Mga taong walang trinabaho kundi ang tumambay sa FB...hahaha. (sabagay mahirap ding tumambay!)
Bibong Blogger of the Year - Jason De Guzman, kamukha kasi siya ng nephew ko!
Best in FB likes Award - Yanah.
Husay Managalog Award - Kuya Goyo
Yan po ang aking mga nominasyon sa TABA 2010. No explanations needed! At sana'y mamigay kayo ng kahit MARIE biscuits kapag nanalo. :)
HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!
"We know we're getting old when the only thing we want for our birthday is not to be reminded of it"
Hey you
I know I'm in the wrong
Time flies
When you're having fun
You wake up
Another year is gone
You're twenty-one
I guess you wanna know
Why I'm on the phone
It's been a day or so
I know it's kind of late
But Happy Birthday
Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kinda late
But Happy Birthday
So hard
When you're far away
It's lame but I forgot the date
I won't make the same mistake
I'm so to blame
So now you know
Don't hang up the phone
I wish I was at home
I know it's way too late
But Happy Birthday
Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kinda late
But Happy Birthday
It's not that I don't care
You know I'll make it up to you
If I could, I'd be there
Yeah yeah whoa
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kind of lame
But Happy Birthday
Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kind of late
But Happy Birthday
To you
When I was younger, I could remember anything, whether it had happened or not; but my faculties are decaying now and soon I shall be so I cannot remember any but the things that never happened. It is sad to go to pieces like this but we all have to do it.
~Mark Twain~
Its been only 5 days to Christmas. We, Filipinos, loves this season more than any other holidays. It has always been a joyful time wherein we can spend with our families & the people we loves the most. But Christmas doesnt always worked that way. Christmas, I think, imparts a more valuable lesson in life more than gifts, foods, the songs, and all the material things that we received. We should remind ourselves that Christmas is celebrated because it is the time that we can become a better person by virtues of generosity and greatfullness. Christmas always gives us a chance to shine and display our greatness.
While I was watching the TV earlier, the ABS-CBN station ID for 2010 caught my attention. Their theme on this years Christmas plug is "Ngayong Pasko Magniningning ang Pilipino", which is interpreted by Gary V & Toni Gonzaga. Aside from its catchy tune, I think it also emphasizes that all Filipino deserves a fair chance to shine this season.
The chorus is very apt on the concluded matched between our very own Pacquiao and Mexico's pride Margarito, wherein the Filipinos shine once again. Pacquiao proved to the world how great fighter he is. Aside from that he also gave all Filipinos around the world of something to be proud of. But what is more admirable to Pacquiao was when he showed inner strength when he refused to inflict more damage to his opponent. In one of his interview he said that, "boxing is not for killing each other" and for that impressive statement he stood out one more time.
It is not only Pacquiao that makes our country proud, there is Charice Pempengco & Arnel Pineda, who does not tired on proving how talented the Filipinos are. Another is Efren Penaflorida, the CNN's 2009 Hero of the Year. He also showed how compassionate Filipinos are and for giving the importance of education, when he used his kariton being a classroom to teach the less fortunate children on the streets. And the AZKAL's, the Philippines National Football team, without the government support, still, they struggle to fight to show to world that Filipinos can excel even on football. They are just among the many ones who continously gave us something to be proud of and something to believed in. Their successes gives us hope that everyone can achieve more than what they achieved. One more reason why we shine throughout the world is because of our OFW's, the what we called the newest Hero of our time. Their dedication to their job, talents & intelligence, hospitable & care for others, also the determination to succeed are some of the many things that other countries & cultures admires of. No greater love than being apart from love ones just to give them a good life & future.
They are just among the many ones who continously gave us something to be proud of and something to believed in. Their successes gives us hope that everyone can achieve more than what they achieved.
MERRY CHRISTMAS TO ALL!!!
&
MABUHAY ANG FILIPINO!!!
Simula na ng simbang gabi o ang novena para sa pagsapit ng pasko. Ito yung panahon at kaugalian nating mga pilipino upang ipagdiwang or gunitain ang nalalapit na pagsilang ng ating panginoong Hesus. Isa ito sa matatandang kaugalian na minana natin na magpasa-hanggang ngayon ay isinasagawa pa rin natin. Sa Pilipinas isinasagawa ang simbang gabi, usually around 4 or 5 in the morning at itoy nagsisimula tuwing madaling araw ng december 16 hanggang december 24 ng gabi na tinatawag naman na misa de gallo. Dito sa amin sa bansang kung saan, halos 1.3% lang ng kabuuang populasyon ang mga Kristiyano at si Buddha ang bida ay magsasagawa rin ng simbang gabi na magsisimula mamayang Dec.15 hanggang Dec 23 ng alas-8 ng gabi. Nakakatuwang isipin na kahit saan man tayo mapunta at mapadpad ay dala dala pa rin natin ang kaugaliang ito. At diyan ako bilib sa ating mga Pilipino, inspite & despite of different adversities, problems & culture hindrances especially to OFW's, we still managed to find ways to feel the spirit of Christmas even in countries that do not celebrate the said Season. It is true that this season brings us more pain than joy especially for us OFW's, who are working abroad & earning money far away home & far from our family. Thanks to our modern communication technologies now, we have email, chat, & even video call that makes us allow to greet our love ones a Merry Christmas.
photo from: http://www.coolwindsresidences.com/wp/wp-content/uploads/2010/11/Simbang-Gabi.jpg
Last night I was marathoning the Harry Potter movies and i'm already on its third installment "The Prisoner of Azkhaban" when i caught myself snoring. On the latter part of the film, the Knight Bus was introduced when Harry Potter left his uncle's house after inflating Aunt Marge inadvertently. Knight Bus is a triple decker bus that assists stranded witches & wizards through public transportation. In the movie, most of the passengers of the Knight Bus are old ones except for Harry. Well, actually my story is not about Harry, its about that bus. I'm thinking, what if theres really a bus for stranded people especially those who are waited to be love & to love for so long time. Sabi nga ng mga matatanda, "abay bilisan mo na, baka maiwan ka pa ng huling byahe."
Actually early this morning, i had a meet up with my brother at the city to assists him to the TAX Bureau for his tax refund. While at the bus and while listening to my playlist on my HTC-Wildfire phone, I'd noticed that I am the only youngest person inside & I supposed all are aged 50 & up. As I listened to O' Holy Night, Celine Dion version I started to think, what if I came to the point of their age, still single? Alone, sad, loathed, full of sentiments, and no one cares. Geez! I can't imagined myself living alone, without kids roaming around. Without someone who can share your lonely nights & someone who can talked to & planned for something great ahead. Syetttt! Hindi ko kaya ang mag-isa! And if that time comes I think I need to shout this out loud.......
"Knight Bus for the Heart, pleaseee!!! "
Amidst of different problems, crisis on work & lovelife, i still wanted my christmas wishlist comes true! And for the first time on my blog i wanted to reveal some of it, but first I wanted to thank God for the wonderful & 'kinda' fruitful 2010. I met different kind of people that made me stronger than ever spiritually & emotionally. Well anyways, without so much further ado at dahil kaalyansa ako nina Michaelangelo, Donatello, Raphael at nung isa pang ninja turtles na mahilig din sa pizza, here are some of my wishlist & WISH KO LANG sana may matupad kahit isa.
My Christmas Wishlist
1. GF na magiging asawa. Hahahaha! (on desperate mode,LoL!)
2. iphone 4.
3. yung videoke ng kapitbahay namin.
4. maipagawa ang haws namin sa batangas (in serious mode).
5. sana makasama ako sa ginagawang submarine para sa 2012...hahaha
6. makakita ng kahit isa sa mg blog friends ko... ahihihi
7. makapagboracay, makita si santa claws(hehehe) at makapapunta sa disney (oo, isip bata ako at walang kokontra,, blog ko to!).
8. seriousness in life.
9. more blessings for my family.
&
10. World fish, este peace! (Miss U?).
MERRY CHRISTMAS TO ALL!!!
#7 on yahoo trending now is the word SEXTILLION (parang sex lang!) SEX na may kasamang TILI kapag nakabaON. hahaha!
TRENDING NOW
sex·til·lion
noun, plural -lions, ( as after a numeral ) -lion, adjective[seks-til-yuhn]
–noun
1.
a cardinal number represented in the U.S. by 1 followed by 21zeros, and in Great Britain by 1 followed by 36 zeros.
–adjective
The World AIDS Day is celebrated every year on the 1st of December. It is dedicated to elevate the awareness of AIDS pandemic sources by spreading of HIV infectivity. It is ordinary to hold remembrance to respect persons who have expired from HIV/AIDS on this day. This year's theme is "Act Aware" meaning, we cannot live only for ourselves & we must aware that there are people needed our support in their times of survival with this infection. It is also about increasing awareness, fighting prejudice and improving education. It is also important in reminding us that HIV has not gone away, and that there are many things still to be done.
Let us all pray those people who suffered & still suffering with this infection & may a treatment be found soon.
Habang nakikipagtsismisan ako sa kapwa blogero via U-Blog sa FB. Napagusapan ang bagong aabangang teleserye sa channel 2 na SABEL. At dahil curious ako kung sino ang gaganap at ano ang kanyang papel. Ito ang tumambad na mukha sa mga link na ibinigay sa akin.
Siya si SABEL, at abangan ang kanyang pamumukadkad sa Channel 2's primetime bida.
Siya ay si Jessy Mendiola, a new rising star of ABS-CBN.
Naranasan mo na bang makapagpasaya ng tao? Yun bang makikita mo sa kanila ang mga ngiti na walang inaalalang problema? Yung tawa na halos makita mo na ang nostrils niya habang humahalakhak? Ang sarap pala ng pakiramdam na nakikita mo ang kapwa mo na sumasaya at nakakalimutan ang problema kahit sa ilang saglit lang. Sabi nga sa isang minutong smile, "Isang ngiti sa labi at mga dinaramdam agad mapapawi.. :D".
Hindi ko lubos maisip na isang araw sa isang munting paraan pala ay mapapasaya ko ang aking mga kapwa OFW. Nitong mga nakaraang araw kase habang walang engineering time sa loob ng production, ay naisipang maglakbay ng inyong lingkod sa mundo ng sapot, hindi para mag-FB(uhm, sige na nga kasama na rin yun), kundi para magbasa ng news. Nang mapadpad ako sa isang lokal na pahayagan sa ating bansa, at sa kabila ng iba't-ibang negatibong impormasyong aking nabasa, may isang pitak duon na pumawi ng aking kalungkutan at pagkadismaya, iyon ang jokes section(meron ba nun!). At dahil natawa ako sa mga jokes na nakasulat doon kahit na ang iba ay corny, nagprint ako ng ilan para naman ipabasa ito sa iba, upang hindi nila isipin na nababaliw na ako kapag humaharap sa computer(isang computer lang kasi sa loob ng production ang may connection sa internet, lahat naka-intranet). Siyempre for sure natawa sila dahil most of the jokes are green, meaning nakakarelate sila, yung iba naman pavirgin lang or kunwari dedmatology pero pagtalikod almost die laughing. Sa loob ng isang linggo ganun ang ginagawa ko kapag free time or walang magawa. Halos magkaroon ng publishing house sa loob ng production hanggang sa magkaubusan ng papel at ink ang mga printers na dapat ay ginagamit lang para summary table ng mga IC at wafers na tinetest. (Minsan nagtataka ang mga chinese kung bakit ambilis maubos ng papel sa mga printers at nagtataka rin sila kung bakit hindi mga summary reports ang lumalabas sa twing magpiprint sila.) Hanggang isang araw merong isang OP(operator) na nag-thank you sa akin, nagulat ako kung bakit siya nagpapasalamat dahil kung tutuusin wala naman akong alam na ginawa sa kanya na dapat niyang ipagpasalamat, hanggang sa sabihin niya na yung mga jokes na pinrint ko. Pinatawa raw siya ng mga jokes na yun, kase sa dami ng kanyang problema, wala na halos siyang time para ngumiti pa, until she red those jokes. So, sabi ko naman thats good & walang anuman. And with that, she opened her problems to me. Then I said, trials are always there not to make us weak, not to make us do things that is beyond goodness but it is always there to strengthen us, to learn something better from our mistakes and to realized that in this kind of moments of burdens & problems in this part of the world wherein you think you're alone, there are a few that you can trust on and there is GOD that you can asked for guidance. Life is still beautiful to us I also said because there are some, back there in the Philippines, are still going along with life kahit na maraming problema at kahit na walang pera. So just smile & be happy...
Minsan sa di natin inaasahang pagkakataon, kahit na bawal(i mean yung mga pagpiprint), in our own little ways, we can helped people to ease their burdens.
With a little smile there comes a big solution & comfort.
And kanina while checking some mails, our department (the engineering dept.) received an email from our boss having the subject, "How to COST-DOWN".
After 2 months of being "on hiatus"....
I'm back...
And supposed to be, I have a lot of story to tell & to share...Pero bakit ganon, kapag nasa harap na ako ng computer, parang natatakot at isa-isang nagaalisan ang lahat ng mga naipon kong ideya na dapat isulat. Para silang makahiya na unti unting tumitiklop kapag nahahawakan. Pero di bale, bilang ganti, susundin ko ang payo ng aking mga magulang (panatang makabayan?) at sisikapin kong makabuo ng isang komposisyon na aantig sa inyong mga nagtutumibok na puso. Kung hindi man ngayon, (kelan pa! Katarungan para kay ka...syet nadadala na naman ako ng mga lines ng pelikulang pinoy na pinagtyagaan kong panoorin nung mga nakalipas na buwan), kung hindi man ngayon, siguro sa mga susunod na araw, iyon eh kung sisikatan ka pa (sabi ni epidyey).
Hindi ko alam kung pano ulit magsimula dito (pano nga ba!), simulan ko na lang kaya sa lahat ng natutunan ko sa pagboblog sa loob halos ng isang taon, bago mangyari ang kalunos lunos at kahindik hindik na pangyayari sa pagitan ng mga mortal at imortal.
Although gasgas na ang mga post na ganito but then ito pa rin ang topic ko, walang pakealaman...
At bilang panimula (drum rolls!!!), narito ang ilan sa mga natutunan ko sa pagboblog (parang kathang mahilway lang!!!).
*Natuto akong magtype sa computer ng sobrang bilis (as in 1million wordzzz per annum).
*Natuto rin akong makapagpahayag ng sariling pananaw (remember ABS-CBN commercial way back 80's ganun ang dapat pagbasa at pagbigkas dito!!!).
*Mababaw lang ako, kaya natuto rin akong ngumiti sa buhay ng may bahid galak at tuwa kahit na may problema sa 'twing may mga nakaka-L (lesson to be learn...ikaw talaga kung ano ang nasa isip mo, ayheytchu!!!) na istorya ang aking mga kapwa tao na may blog din.
*Natuto rin akong magpasalamat at magpahalaga sa buhay ng kung ano ang meron ako. (insert tiya dely here!!!)
*Natuto rin akong magbahagi ng mga ideya at kaalaman (kung meron man!!!) na kapupulutan ng aral or the other way around, whether i made them to smile, laugh, cry or hate me.
*At ang reward, nagkaroon ako ng mga super friendzzz na patuloy na naniniwala sa anumang kakayahang meron ka sa hirap at sarap, i mean ginhawa pala at mga miyembro ng justice league na nang-ookray, nagbibigay payo at sumuporta sayo sa anumang kulay ng buhay (kapuso?)...
Ilan lang yan sa mga natutunan ko sa pagboblog, pasensya na nawawala kasi yung iba, hiniram kase ng lola ko, hahanapin ko pa...
Hanggang sa muli!!!
Happy TGIF!!!!
Note: Kathang Mahilway ang tawag (sa iskul namin) sa paggawa ng isang komposisyon tulad nito, nuong ang panahon ay bata-bata pa, i mean nung hiskul ako...
1. Witness sa Hostage Taking
Sa katatapos na hostage taking incident na nangyari sa maynila noong august 23 ng taong kasalukuyan isang witness ang lumantad upang isalaysay ang totoong nangyari sa insidente. Ganito ang naging takbo ng kanilang usapan...
Reporter: Papaano nagsimula ang lahat at papaano nakarating at nakasakay ang suspect sa bus?
Witness: Ay garne ho! Habang kamiy nakain ng aming almusal nung bukangliwayway nung lunes ay suminsay si kakang rolando. Ako ho'y nagitla ng masilayan ko ang kanyang mga abubot. Aba'y mga armas mo ho eh. Hindi ko na ga inurirat kung ano iyon ng makiusap na susuno sa akin pagluwas ko ng maynila. Pagsapit namin sa Maynila, ay bumaba na si Kaka at may nilimot na bagay sa lupa. Akala koy kung ano eh yun palay isang kitse lamang...
Reporter: Ano daw? (Sabay tumbling hanggang North Pole)
2. Airplane crashes at a town in Batangas
Isang eroplano ang aksidenteng nagcrash sa isang bayan sa batangas...
Media: Manong pakisalaysay ho ng nangyari?
Manong: Anla eh, garne ga takeng...habang akong nakikipaghuntahan sa aking kahanggan ay napaismid ako sa alapaap at nasilayan ko ang isang naglalagablab na bagay na animo bagay nasirok na papagayo. Ginagaling na laang at sa ilaya sa may sukalang kakahuyan nagpatak, kung sa bayan, talpog kang bata ka, sandamakmak siguro ang mauutas...
Media: Ano sabi mo?(sabay split)...
"Life is like a trumpet -
if you don't put anything into it, you don't get anything out of it."
-William Christopher Handy-No matter how hard you try if you dont put yourself,
your presence on whatever you want to achieve, nothing will happened.
So blow your trumpet with all your heart, for it will make a good sound.
Its been almost six & a half years passed, when i first set my foot in the land of yellow raced people called Chinese, sa tagalog tsekwa or intsik beho. Naalala ko tuloy yung unang alis ko, siyempre habang makabagbag damdaming lumuluha sila Nanay at Tatay sa aking paglisan, magkahalong kaba at eksaytment ang nararamdaman ko. Kaba, kase bagong pakikisama sa ibat, ibang klase ng pinoy sa bansa ang makakasama at pakikibagayan ko, hindi pa naman ako sanay na may mga kasamang ibang dialect (usually ng mga nakakasama at nakakadaupang palad ko sa araw-araw sa pinas ay mga tagalog). Kaba ulit, kase sa tradisyon at kulturang dadatnan ko dun, hindi ko alam kung mabait ba ang mga magiging boss mo o hindi, sa kabila ng language barrier na tinatawag. Pero sa kabilang banda naman ng aking hyphotalamus andun pa din yung eksaytment na tinatawag. Excitement, kase isa bagong chapter na naman ng aking buhay pakikipagsapalaran ang magaganap sa loob ng tatlong taong kontrata na umabot hanggang anim. OO, kahit papaano excited akong alamin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa sa aking buhay nung nasa pinas ako. Buhay na may inaasahan, sinasandalan at inaaabangan. At least dito, matututo akong mamuhay mag-isa na tanging si PAPA Jesus lang tanging gabay at kasama. Hindi ko masasabing naging masama or maganda ang pagstay ko dito sa lupa nina Chiang Kai Shek, kase sa simula pa lang ng paglapag ng China Airlines hanggang makarating ako sa aming dorm ay nakaranas na akong ibat-ibang karanasan na di ko malilimutan kahit itanong mo pa kay Dear Charo. Sa pagpila pa lang palabas ng immigration ay naramdaman ko na ang presensya ni EVA KALAW at kahit na namamawis na ang aking mukha at nanlalamig na ang aking pakiramdam lakad pa rin ako na parang nagmomodel lang ng brief ng Bench, at nung makalagpas na kay mamang checker at tagatatak, punta kaagad ako sa CR na tinatawag nilang WC, na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. At habang nagmamadaling papunta ng WC naputol naman ang sintas ng sapatos ko na katas naman ng pagku-crew ko sa BK(Burger King) sa Masangkay, Sta. Cruz (harap ng St.Stephen's School at Chiang Kai Shek College, then nasa likod ang Hope Christian at nasa side naman ang Metropolitan Hospital). Makalipas ang ilang minuto umayos na ang pakiramdam ko sa kabila iritation na nararamdaman ng aking pwet, kase toilet paper ang gamit nila at hindi uso ang tabo at tubig bilang panlinis pagkatapos mong magpoo-poo. Subalit ilang oras pagkatapos makaraos kay EVA KALAW ay dinala naman kami ni manong drayber sa hospital for medical check up, standard procedure daw for foreigners na magwowork sa lupain ng F4 at ng 5566 (ang sarap palang pakinggan kapag tinatawag kang foreigner,lolz) namputsa napamura na lang ako sa sarili ko habang ngiting aso naman si manong driver na naka-sony ericsson bluetooth headset...
.....may karugtong.....
Yeheyyyy!!!
Isang taon na ako sa blogosperyo ngayong buwan, isang taon ng samut saring kwento, kalokohan, saya, inspirasyon, pakikibasa, kulitan, komento, argumento, pakikipagkaibigan, pakikiisa sa mga nagbibirthday na nagnanais ng picture greetings, pakikiisa sa buong mundo sa earth hour, earth day, climate change at sa isang minutong smile ni kuya CM. Isang taon ng pagbibigay komento sa kapwa blogero, sa paniniwalang sila'y magkokomento din back (hehehe). Isang taon ng pagngiti sa tuwing may bibisita sa site at lalong mas maganda ang ngiti kapag patuloy na dumadami ang flag sa Flag Counter...hehehe. Hayyys, ambilis ng time. Parang kelan lang ng unang ipakilala ni Chikletz ang blog sa amin, habang nangungulit siyang iboto namin siya sa the composed gentleman's blogger of the month.
At sa loob ng isang taon, marami akong nakilala at patuloy na nakikilalang pinoy sa buong mundo, at kahit hindi ko man lubos na nakikita ang kanilang pagbabagong anyo (parang aswang lang) este ang kanilang tunay na anyo, masasabi ko, na sila'y mga kaibigan (sabi nga ni kuya Gillboard sa isang post niya, sila ang reward sa pagboblog), kaibigan na nagbibigay saya tuwing ika'y nalulungkot at nahohomesick, kaibigan nagbibigay inspirasyon sa gitna ng iyong pagkabigo, kaibigan na nagbibigay payo at direksyon sa tuwing ika'y napapabiglang liko (motel?) at kaibigan na patuloy sumusuporta at nagbibigay komento sa bawat poste mong walang kwenta. Sila ang mga kaibigan na sa pamamagitan ng kanilang mga kwento at karanasan (kasama pati libog...joke), totoo man o hindi, ay patuloy na nagbibigay pag-asa at naniniwala na isa kang tunay na manunulat since birth...
At bilang pang-101 kong poste at anniversary post na rin, lubos na nagpapasalamat ang TINTADEFILIPINAS sa lahat ng nagtiyagang bumasa, dumaan, kumaway, sumilip, nagfollow (hanggang sa twitter) at sa mga nagbigay ng kanilang komento at saloobin sa lahat ng posteng aking itinayo. Maraming marami pong salamat. At kahit na sa kabila ng tinatawag nilang writers block at hiatus, patuloy pa rin ang inyong pagsuporta sa Tintadefilipinas' Imprisoned Mind...
Muli,
MARAMING MARAMI PONG TENCHU SA INYO!!!
at
MABUHAY PO KAYO!!!
MABUHAY PO KAYO!!!