Halos mag-iisang taon na din akong night shift, subalit dahil sa isang insidente nalipat akong bigla ng morning shift. Hindi na bago sa akin ang magpalipat lipat ng shift dahil sa iba't ibang kadahilanan, nandyan ang magfinish contract ang lahat ng pinoy sa morning kaya inilipat ako sa PM shift. Subalit nito lang ang pinaka may malupit na rason...nahuli lang naman akong natutulog while at work (buti na lang hindi ang pagoonline ko, joke!!!). Inaamin ko mali ko pero ang hindi ko matanggap, kapwa pinoy natin ang nagsumbong sa kanilang boss, daan para i-email sa boss ko. Naaalala ko pa ang mga panyayari ate charo, hindi ako proud pero nais ko lang ishare para kapulutan ng kung anumang nais niyong pulutin...
Umaga ng abril a dos habang maulan ang first day ng summer, nagkayayaan kaming magkakwarto magbate este mag-two beers to sawa na inabot ng alas-singko PM. To cut the story short, nalasing kami at walang pakiaalam kung may pasok pa ng 7:30 at night. So para hindi ma-late, hindi na natulog at diretso pasok kahit walang ligo(dyowk!). Pagdating sa work, naupo, kumuha at nilagyan ng ownership ang isang machine upang hindi halata na wala akong ginagawa, sabay tulog. Ang hindi ko alam may isang pinay na operator ang nakakita at kaagad akong naisumbong sa kanilang boss na kaagad ding nai-email sa boss ng engineering department. Kinabukasan my boss wants me to do a love letter(explanation letter) and after a month, ang desisyon ng inampalan ay...change shift. So last May 21, I started the AM shift.
At bago pa man matapos ang aking career, nais kong ibahagi ang aking natutunan sa karanasang ito...Una, pwedeng pumasok ng lasing basta wag matutulog. Ikalawa, sabihan ang operator na hindi tataas ang sweldo niya kung magsusumbong siya. Ikatlo,pagbigyan ang operator na matagal ng may crush sa 'yo para sa susunod walang sumbungang magaganap. At, panghuli, kabilinbilinan ng lola wag uminom ng red horse, ito'y hindi inuming pambata, magsoftdrinks ka na lang muna...DRINK MODERATELY!!!
Seriously, hindi masama ang uminom subalit lahat ng sobra ay masama, kaya bigyan ng limitation ang sarili pagdating sa red horse (kase naninipa yan),hindi ibig sabihin na kapag umayaw ka ay masisira ang iyong pagkalalaki. Sabi nga iba (like born again & etcetera) ang alak ay hindi nauubos subalit ang pera, panahon at oras mo, yun ang nawawala. At isa pa huwag masyadong magtiwala, kahit sa kapwa pinoy mo pa, minsan kasi sila pa ang magpapahamak sayo kahit pakisamahan mo pa ng maganda. Hindi ko maisip kung bakit merong ugali ang ilan sa atin ng crab mentality, yung nagiging masaya sila kapag bumabagsak ang iba. Kaya para sa kanila, tae niyo hindi ang tulad niyo ang makakapagpabagsak sa akin, unang una hindi ako lumilipad ng mataas, ikalawa ampapanget nyo...
HAPPY WEEKDAYS BLOGGERS!!!

MEET ASIA'S TOP MUSICIAN LIVE IN YOUTUBE.
YouTube Music Day will be streamed online through official channel on YouTube. This can be watched not only in Taiwan but also in three other Asian countries - Japan, Korea and Hong Kong.This will be a great chance that Asian fans can enjoy the real-time performance of top musicians picked by YouTube.
Please visit here at 7 pm(Taipei Time) on May 22nd to feel the power of live performance.
When I was in college, one of the memorable subjects that I had is, the ELECTRONICS 1, 2 & 3. Memorable, because one of those was taken twice & that is ELEX2, as we called. As part of the ECE curriculum on that year which is not so long ago, was chopping ELECTRONICS subject into 3 parts, & as what I remembered Elex1 is composed of semiconductor diode, the pn junction up to transistor biasing wherein Engr. Rommel Galo from CCP, as my professor (da who!!!), then Elex2 consisted of FET, FET biasing, UJT, BJT, MOSFET, IGFET & lahat ng pwede mong ikabit sa abbreviation ng FET(Field Effect Transistor), SCS, SCR, GTO, LASCR which is under (for the 2nd time) by Engr. Galido, a bisaya graduate from a known university in the south & lastly the Elex3 that includes Linear Digital IC, OP-AMP, Flip-Flops & Digital Electronics.
And dahil nga bisaya ang aming professor sa Elex2 at imbes na FET ang sabihin, nagiging FIT(para ka lang naghuhugas ng prutas at gulay) ang aming naririnig. Mabait naman si sir kahit na ganun yun, yun nga lang may topak kapag walang inom, matripan ang matripan, kaya hayun almost mangalahati ang aming klase sa unang take. Then, sa ikalawang pagkakataon at sa kadahilang walang available na professor ang hahawak sa request namin (oo, kelangan irequest ang subject na yun, kase prerequisite yun ng ELEX3 at iba pang ECE & EE subjects & kung hindi mo makukuha yun ng next sem of the same SY, next year na ulit available yun, so magiging nth year ka na for sure), nagkrus na naman ang aming landas ni Engr Bisaya. At kahit hindi pa rin namin siya maintindihan at sa awa naman ng Diyos pumasa na ako...yahoooo, kaso isang tumataginting na 2.75 ang ibinigay niyang grade sa akin(2.50 ang pinakamataas sa aming klase ng 30). At naalala ko ang ang aming naging bibliya sa subject na iyon... ang ELECTRONIC DEVICES & CIRCUIT THEORY ni Robert Boylestad & Louis Nashelsky. Kulay green pa noon yun at 7th edition yata.
Then one time while I was surfing on the net looking for some related stuffs on my work I came across to search this book again for after (?)year since I graduated. I was shocked when I saw this...
...the 9th edition of it (hindi ko namalayan na ganun na pala katagal ang lumipas simula ng aking lisanin ang aking mahal na paaralan... ang TUP-Manila). At dahil naexcite ako magbasa at magfeeling-feelingan na estudyante ulit I took some exams online. And here is one of the result...
Although hindi umabot sa passing sa kadahilanang may mga problem solving na kelangan ng calculater, hindi na masama, meaning after those years hindi pa din nawawala ang kaalamang aking natutunan sa aming paaralan, lumipas man ang ilang taon. Ito ang kayamang hindi mananakaw ng sinuman at hindi mapapalitan ng anumang ginto unless ibenta mo.

Dear Inay,
Salamat po sa siyam na buwang pagdadala mo sa amin sa loob ng inyong sinapupunan, kahit na sabi ni tatay na naging masasakitin ka nung ipinagbubuntis mo ako. Salamat po hindi mo kami pinabayaan. Salamat din po sa pagluwal mo sa akin noong buwan ng Disyembre, somewhere early 80's, at nakita ko ang kagandahan ng mundo. Salamat po sa unang regalo mo sa akin, ang regalo ng BUHAY.
Salamat po sa paggabay mo sa mga una kong hakbang paglakad at pag-akay sa tuwing ako'y madadapa. Kahit na mahina pa ang mga tuhod ko noon, lagi kang andyan para umagapay at umalalay sa pagpipilit kong tumayo. Salamat po sa pag-unawa sa aking kakulitan noong akoy bata at pasensya na rin po sa aking samut saring tanong dala ng kamusmusan.
Salamat po sa ikalawang regalo mo sa akin, ang ABAKADA. Salamat po at tinuruan niyo kami ng tama at mali. Pasensya na po kung hindi namin maintindihan, kung bakit niyo kami pinapalo that time. Salamat po sa pagpapakilala niyo sa amin kay papa Jesus gayundin po sa pagtuturo niyo sa amin kung paano magrosary. At salamat din po sa pagtuturo niyo sa amin na mahalin ang aming mga kapatid.
Salamat po sa pagpapaaral niyo sa amin. Naalala ko pa noon kahit wala tayong makain, basta may maipangtuition lang si ate. Salamat po sa lahat ng paraan na ginawa niyo sa amin para mapag-aral kami. Saludo po kami sa inyong dalawa ni tatay, dahil kahit hindi kayo nakatapos ng pag-aaral pinilit niyo pa rin mapagtapos kaming apat hanggang kolehiyo.
Salamat po 'nay, sa walang hanggang pagmamahal, pag-aalaga, at pagtitiwala sa aming mga kakayahan. Salamat po sa pagtatangol sa amin sa lahat ng mapanira at mapanuring mga tao. Salamat po sa walang sawang pagbibigay payo at pagtutuwid sa aming kamalian.
Salamat po for marrying tatay. Panalo ka 'nay nung pinili mo si tatay.
Salamat po inay sa walang hanggang pagmamahal at pag-aalaga na ipinakita at ipinadama mo sa amin simula't sapul ng kami'y isilang. Walang anumang katumbas na halaga at yaman ang hihigit sa pagmamahal na iyon ninyo ni tatay sa amin.
Salamat po at kayo ang naging aming ina, Ginang Salvacion Buaya Bathan, we couldnt asked for a better one than YOU.
We LOVE YOU 'NAY!!!
&
HAPPY MOTHERS DAY!!!
Hugs & Kisses from,
Sallie, Scofieldjr, Rain & Mora
Authors Note:
To all mothers out there,
HAPPY MOTHERS DAY
to each & everyone of you!!!
Ilang araw na lang at eleksyon na. Ito ang araw na pinakahihintay at pinakaasam ng lahat ng mga kandidato. Ito rin ang araw ng kauna-unahang Automated Election sa bansa. Ang araw kung saan matatapos na ang pagpapapogi nang mga mapagkunwaring kandidato. Subalit heto ang tanong ng nakararami...
Handa ka na ba?
or
Handa na ba ako?
Handa ka na bang iboto ang sa palagay mo'y makakapagpabago sa bansang Pilipinas? Handa ka na bang iluklok sa pwesto ang sa palagay mo'y may malinis na interes at hangarin para sa ating bansa? Handa ka na ba ihalal ang sa palagay mo'y makadiyos, makabayan at hindi corrupt na kandidato na tatayo bilang isang pinuno ng ating bansa? At handa ka na ba sa makabagong paraan ng pagboto sa ating bansa na kung tawagin ay automated election? Pwes! kung magkagayon, wala na akong magagawa.
Subalit sa mga nakalipas na araw, ibat ibang balita ang aking nabasa at narinig tungkol sa unang Computerized Election ng bansa, kabilang na dito ang ilang aberya sa dry run ng mga makinang gagamitin sa eleksyon na tinatawag na Precinct Count Optical Scan (PCOS) at ang kontrobersyal na CF card o Compact Flash, kung saan dito ini-store ang data na nabasa ng PCOS.
Tatlong araw na lang. Tatlong araw na lang pero kabikabila ang pagpalpak na nangyayari sa mga PCOS machine, sa CF card at sa mismong pagdedeliver nito iba't-ibang dako ng bansa. Mga aberyang may kinalaman sa pandaraya.Mga pandaraya at mga pansariling interes na hangad ng ilan upang sila ang iluklok at italaga sa maling paraan.
At bilang isa sa masang Pilipino na umaasa sa maayos (kung hindi man malinis) na eleksyon ito lang ang aking maibabahagi. Ilan sa mga madali nating gawin sa araw mismo ng halalan.
MAGMASID...
MAGMATYAG...
MAGING ALERTO...
at
MAGBANTAY...
Ilan sa mga magagawa natin upang hindi madaya ang ating boto at maging maayos ang kauna-unahang computerized election ng bansa.
Muli,
MAY MAGAGAWA TAYO!!!
Lahat tayo ay nakakaranas ng pagkabigo. At sa bawat kabiguan nais nating makalimot. Subalit datapwat ang mga paraan nating ginagawa minsan para kalimutan ang anumang kabiguan ay kulang at bagkus dumadagdag pa sa pasaning atin nararamdaman. At bilang isang mamamayang Pilipino, kaibigan, kapamilya, kapuso, kapatid, kafarmville, kapeyzbook, kabagang, kavampire wars, kafriendster, katwitter, kaplurk, at para sa isang kong timawang kaibigan na nakakaranas ngayon nito at gayon na rin sa inyo mga masugid kong mambabasa (naks! kulomnista?), ito ang maipapayo ko. Ilan sa mga nakatala sa ibaba ay pwedeng nyong sundin, pero patnubay ng magulang ang kailangan...
*Don't think about your past..
*Iwasang makinig sa mga makabagbag damdaming kanta tulad ng bahay kubo.
*Ilagay sa recycle bin ang kanyang numero, isama na rin ang numero ng bahay pero huwag ang sa LOTTO, sayang baka tumama.
*Iwasan mag-isip na 2012 na.
*GET BUSY! (pumokpok sa gabi, mamulot ng basura sa araw.)
*I-erase (gamit ang pambura ng grade 1) ang lahat ng possible communications sa cellphone or better yet kapag iphone ang gamit mo, ibigay sa akin.
*Tanggalin sa neighborhood ng farmville, at sa anu pang kalokohang social network.
*Mag-blog at i-link si Jepoy.
*Kapag mayaman ka at nasa apartment, lumipat sa boarding haus na sampuan sa isang room.
*Tumira sa squatter.
*Gawing regular ang paginom ng gin o beer as in pamalit sa tubig, wag ang wine kase hindi kaya ng budget.
*Panoorin at i-collect ang mga pelikula nina Mikee Arroyo, Jinggoy Estrada at ng iba pang anak ng mga presidente (i'm sure kahit aksyon pa yan, magiging komedi in the end, dahil sa akting...)
*Maghiganti at pumunta sa Anito or sa SOGO.
*Magsabit ng medyas at magdecor tuwing summer.
*Subukang sumali sa gay pageant kahit bato-bato ang katawan mo.
*Sumocial life sa Payatas at sa Tondo.
*Sumama sa mga community service ng baranggay.
*Magserve kay Papa Jesus through pagsali sa different ministry ng church niyo.
*Makipag-EB sa mga blogmates.
*Mag-abroad at hanapin si Drake sa Saudi para sa mga payong legal (hehehehe).
*Magtanim na lang ng kamote at iaapply ang natutunan sa farmville (sabi kase ng nanay huwag umibig, hayan tuloy ang nangyari.)
at ang pang-huli...
*LEARN TO LAUGH AND TO SMILE (wag sobra, baka mapagkamalan kang baliw!)
Seriously, marami sa atin or kung hindi man marami, may iba sa atin na ninanais pang kitlin ang sariling buhay matakasan lang ang mga problemang dala ng kabiguan. Hindi nila iniisip na ang lahat ng kabiguan at problema at mga pawang pagsubok lamang ng ating Panginoon. Sabi nga ng iba, hindi ibibigay sa'yo ng Diyos yan kung hindi Niya alam na hindi mo kaya. Masarap ang mabuhay at ang mabigo at isa lang sa mga pampakulay ng ating buhay. Kaya kung ako sa iyo pumili sa mga nakalista sa itaas upang malunasan or malimutan or maibsan lang, kung hindi man tuluyang malunasan ang iyong pagkabigo.
One of the best day of the week is Friday, thats why for others they call it TGIF. I, indeed agree, because I had so many reasons to share with...did you know that, Jesus died on friday (hahahaha)...that Friday the 13th cant be called like that if the 13th day of the month did not falls on Friday...hehehe. Well, seriously speaking, yesterday, Friday is my restday & I've got a chance to watch the much awaited sequel of the much talked about (if not by the Filipino's well most chinese did) movie of Robert Downey Jr.'s IRONMAN. I & my girl friend (friend, happened to be a girl) named Ruby from Laguna watched it on the city, and it cost NT$280 (it doesnt really mean to me how much it cost, as long as i enjoyed it). And of course, as what I usually do when watching movies, I always took picture on their poster like what you see below.
I must say that my 280 dollars worth much, even that in the mid-part of the movie, I accidentally took a nap due to some tiredness that I felt (remember, cool & dark room, ohhh, like a bedroom to me...hahaha). Imagine after 12 hours of work the night before, i hurriedly go to my friends place to fetch her...then off to city & to movie (magpaliwanag daw!). Good thing is, I did not missed the highlight of the film. After watching IRONMAN, my friend & I decided to eat at somewhat we called shabu-shabu (a restaurant wherein you can cook & grill whatever you wanted). As what the picture tells...
My friend posing for the food she wanted to eat.
My friend & I at the variety section.
After filling our tummies with that magnificent & great foods (from their lamb, pork, beef & chicken meats, shrimps & other seafoods stuff, veggies, to thier ice cream (take note haagen dazs, tama ba spell), & to the fruits, everything is great & fresh) from that best shabu-shabu restaurant in town called Hai Pa Wang (i dont know what that means, basta masarap lahat), we started stretching & walked through the park for a little chat. And the rest...are history. :)