UNDRAS
Ilang araw na lang Undas na naman. Sa amin sa Batangas UNDRAS ang tawag, at kung tatanungin mo ako kung bakit may letter na nadagdag, wala akong kasalanan, ang tanging kasalanan ko lang ay ipinanganak akong gwapo. Lolz!

Kung sa amin sa Batangas ay undras ang tawag, sa iba namang nilalang at nagkakatawang tao, ito at HALLOWEEN (yesss! hongzuxial). At ang isa sa panakagusto ko tuwing sasapit ang araw na ito ay yung tinatawag na UNDRASAN o UNDASAN. Explain UNDRASAN? Kung kayo ay namatayan sa year na ito at first time niyang[the dead] magnonovember 1 or first time niyang wala sa piling niyo tuwing sasapit ang season na ito, walah! kayo ay may instant undrasan...hehehe.

Mga kailangang sangkap kapag may undrasan. (sangkap talaga? lol)
1. Dalawang kandila, usually yung kulay yellow na mahahaba,
2. Pictyur ng namatay na nakangiti, kelangan yung pinakamaganda dahil kung hindi maookray lang siya ng mga magdadasal. Kung wala naman pede na rin ang grad pic niya....... nung kinder,
3. Telang puti,
4. Mesa,
5. Prayer book at rosaryo
6. At siyempre kelangang may..... SUMANNNNN. (hindi ko alam kung bakit suman lagi ang nakahanda, bata pa ako, tanong ko na yan.)

Oo, tradisyon na ito sa lugar namin kapag may namatayan at ang numero unong handa sa panahong ito ay suman. Pero hindi lang dapat suman ang inyong pagkaabalahan, kailangan niyo rin mag-offer ng dasal para sa kaluluwa ng yumao or else he/she[the dead] will come back & hunt you not just like a typical ghost or spirit but just like SAMARA or SADAKO. Hehehe. Exempted ang mga bata sa dasal kaya naman si ako, hakot all you can! hahaha!

Well, anupa't anuman ang tawag, iisa lang ang ibig sabihin ng araw na ito. Ito ang araw upang ating bigyan ng pag-alala at dasal ang ating mga mahal sa buhay na yumao. Ito rin ang araw upang magdisco, mag-inuman, magligawan, magsex, magparty dalawin natin sa loob ng isang taon ang ating mga mahal sa buhay na minsan ay naging parte o naging bahagi talaga ng ating buhay at ng kung simuman tayo ngayon. Sila na minsan ay nagbigay saya, at nagbigay kulay sa madilim nating nakaraan. Sila na gumabay, umalalay, umaway, nag-alaga, inalagaan, nakasagutan, nakasakitan, inibig, nambreak, sila na minsan ay nakasamaan natin ng loob, nakatabi sa upuan sa jeep, sa eskwelahan, kaibigan, kabarkada, kapatid, lolo ng lolo at kapatid ng kaibigan. Silang lahat na iniwan ang mundong ito na puno ng pag-asa para sa atin. Silang lahat ng mga pumanaw at isinalang-alang ang sarili para sa kabutihan at upang ipagpatuloy ang buhay ng iba. Silang lahat na kapiling na ng ang ating Panginoong Maykapal.

Kaya para sa ating lahat na nabubuhay huwag po sana natin silang kalimutan. Saan man tayo naroroon nawa'y maipagdasal natin ang kanilang kaluluwa at bigyan sila ng importansya at iparamdan natin ang ating pagmamahal sa kanila. Hindi sa ganda ng bulaklak at presyo ng kandila maipapakita ang taos pusong pagmamahal para sa yumao bagkus ito'y sa ating presensya at effort ng pagpunta sa kanilang mga puntod at alay na dasal...


**********


HAPPY HALLOWEEN!!!



**********
Kaya dahil diyan.....pili ka na ng kandila sa ibabang piktyur para sa kanila.

A. Kung ang namatay sa inyo ay lasenggo, tumador, magbabarik o manginginom bagay na bagay ialay ang  kandilang ito dahil "sa langit walaaang beer" (sabi sa kanta).



B. Kapag ang inyong patay ay isang Dynamite Fisherman, o avid fan ni Bruno Mars o di kaya naman ay mahilig manood ng Bugs Bunny bagay na bagay ang kandilang ito.

Note: Pagkatapos sindihan habang nasa loob ng sementeryo,  sumigaw ng "GRANADAAAA" o kaya naman ay "BOMBAAAA".



C. Kung ang inyong patay ay naputol ang ulo habang ipinapanganak, ito ang nababagay na kandila para sa kanya. Choose in any variants at ihulog sa suking tindahan.



D. Kapag ang namatay ay nanuno sa kawayanan, this kawayan(bamboo) inspired candle is suited for him/her. Also available in labong(bamboo shoot) style.



E. Kapag namatay naman sa KOLOBOSO i-offer ang KALABASA style na kandilang ito dahil "ang kalabasa ay mayaman sa Vit A na pampalinaw ng mata". Hindi lang pamapalinaw, pang isports pa!. LOLZ



F. At para naman sa masarap na kainan este kwentuhan after magdasal sa sementeryo, sindihan ang mga candle cake na ito. 2 in 1 na! menos gastos pa! Hindi niyo na kailangan mag-alay ng anumang prutas o pagkain.

Note: Kung hindi niyo mahintay na maupos ang kandila, pede niyo ng isubo ng buo ang mga ito baka tirahin pa ng mga batang nagnanakaw ng mga kandila, mahirap na! Kayo rin! Hehehe.



Anyways,

HAPPY HALLOWEEN & KEEP SAFE, ALL TRAVELLERS


PHOTO CREDITS from HERE.


STRANGE TREE - THE REVELATION
STRANGE TREE QUESTION HERE

Well, it had an organ, a female like organ. Lolz!




Look closer...




HA! HA! HA!

**********

To make this post have a lot of sense, I wanted to share a toponyms & a trivia too, in connection with that female like organ.

TE PUKE - is a town located in the Western Bay of Plenty in New Zealand. 

There's a place in Albania called PUKE.



**********
Other Toponyms or funny name of places that makes you laugh or.... at least smiles a bit.

HELL can be found in Michigan, USA

PURGATORY is in Maine

Theres a place in California called HOOKER

UGLEY can be found  in Essex, England

BORING is in Oregon

BAKLA Candradvipa is in East Pakistan

LESBOS is an island in Greece

There's a place called LOWER & UPPER DICKER in East Sussex, England

PITY ME & NO PLACE can be found in Durham County, England

NUEVE de PEBRERO is a place in Quezon City, Philippines 
(im wondering if this date is the date where this place founded)




**********

toponymy [təˈpɒnɪmɪ]
n
1. the study of place names
2. (Medicine) Rare the anatomical nomenclature of bodily regions, as distinguished from that of specific organs or structures
toponymic  [ˌtɒpəˈnɪmɪk]toponymical adj
Collins English Dictionary – Complete and Unabridged © HarperCollins Publishers 1991, 1994, 1998, 2000, 2003



STRANGE TREE
While walking along the street side of Kuang Fu Road, way up to my work, I saw this strange tree & captured my naughty imagination. Then here I am, sharing it with you.

**********



What is so strange & different about this tree from the other?





Answer...





 See tomorrow's post!!!



CHILLY NIGHTS presents HIGANTI (Ang Wakas)
Part 1 here.

Lalo siyang kinabahan at natakot...

Takot na lalo niyang ikinabahala. Takot na halos lumamon sa kanyang imahinasyon. Takot na lalong nagpalala ng di niya pagtulog. 



Lumipas ang ilang oras....



Nagulat siya ng marinig at makitang nagsusumigaw ang kanyang nanay pagbukas sa pintuan ng kanyang silid. Nakita rin niya ang kanyang sarili sa isang sulok sa isang di maipaliwanag na katayuan. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya mismo ang kanyang sarili habang siya'y nakatayo sa tabi bintana. Lalong hindi siya makapaniwala na makita ang sarili sa ganitong kalagayan. 




Habang umiiyak ang kanyang ina. Nakita niya ang dalawang maliliit na nilalang sa tabi ng isang video tape sa ibabaw ng mesa ng kanyang lampshade na may title na Snow White & the Seven Dwarfs goes Porn.




Bigla niyang naalala na pinanood niya ito nung isang araw habang ang kanyang ina ay nasa Quiapo upang humanap ng mga bagong labas na dibidi.

Doon niya nalaman na ito palang video tape na ito ay may kaakibat na sumpa. Sumpa na kapag pinanood ay titirik ang mga mata hanggang sa bumula ng puting likido ang iyong.....



ang iyong.........



ang iyong.......... 


.....bibig.



At doon niya napansin na unti unting lumalayo ang kanyang sarili sa eksenang umiiyak ang kanyang ina alas siyete na ng umaga.


-The End-




Disclaimer: Ang lahat ng lugar, pangalan at pangyayari ay pawang kathang isip lamang, kaya kung nabuwisit ka at di naaliw, pasensya ka blog ko to! ok! hehehe. Salamat sa inyong walang sawang pag-PG....ooopps, hindi po Patay Gutom, kundi Pagsubaybay at Gabay.


ALIPIN

di ko man maaminikaw ay mahalaga sa akindi ko man maisipsa pagtulog ikaw ang panaginip
Megan Fox
(my FUTURE wife)


malabo man ang aking pag-iisipsana'y pakinggan moang sigaw nitong damdamin

Angelina Jolie
(HOT momma)


chorus:ako'y alipin mo kahit hindi batidaaminin ko minsan ako'y manhidsana ay iyong naririnigsa 'yong yakap ako'y nasasabik

(I'm Yours, Megan)


ayoko sa ibasa yo ako ay hindi magsasawaano man ang yong sabihinumasa ka ito ay diringgin

Amanda Seyfried
(My Other Woman)


madalas man na parangaso at pusa giliwsa piling mo ako ay masaya
Avatar's Neytiri Zoe Saldana


chorusako'y alipin mo kahit hindi batidaaminin ko minsan ako'y manhidsana ay iyong naririnigsa 'yong yakap ako'y nasasabik
Victoria's Secret Angel Adrianna Lima



pilit mang abutin ang mga talabasta sa akin wag kang mawawala...
GQ Centerfold Scarlett Johansson




chorusako'y alipin mo kahit hindi batidaaminin ko minsan ako'y manhidsana ay iyong naririnigsa 'yong yakap ako'y nasasabik
Tattooed Rooney Mara of Social Network


pagkat ikaw lang ang nais makatabimalamig man o mainit ang gabinais ko sanang iparatingna ikaw lamang ang aking iibigin
KIRARA
(My One & Only...Lolz!)



 ayyyyy! 
hindi yannnn! 
rewindddd.....




pagkat ikaw lang ang nais makatabimalamig man o mainit ang gabinais ko sanang iparatingna ikaw lamang ang aking iibigin
Rachel Weisz
(I'm ready to bite another Apple)


ALIPIN Song & Lyric by Shamrock




**********

They are my past, present and future girlfriends. 
Sila at wala ng iba.
 Sila ang umalipin at sumira ng aking dangal at puri.
Lolz! 



(All photos are from HERE except for picture #7. KIRARA)



**********
Next Post: 
CHILLY NIGHTS presents HIGANTI (the finale)



CHILLY NIGHTS presents HIGANTI
Habang naglalakad si Erika pauwi sa kanilang bahay isang gabi buwan ng Oktubre ay may narinig siyang mga maliliit na boses mula sa di kalayuan. Inakala niyang ito'y namumula sa kalapit bahay sa may bandang tindahan nila Aling Maria, kaya di niya ito pinansin. Subalit habang patuloy siya sa paglalakad ay tila lumalakas ang tinig ng mga maliliit na boses na parang galit, at sa pakiwari niya'y sinusundan siya ng mga ito. Magkahalong kaba at takot ang kanyang naramdaman, kaya binilisan niya ang kanyang paglalakad hanggang sa sapitin ang kanilang bahay na malapit sa isang malaking puno ng Mangga....

Pagdating sa bahay, ay agad niya itong ikinuwento sa kanyang ina, habang sila'y kumakain ng hapunan. Alas-otso na ng gabi.

"Sus! wag mo ngang pinagpapansin ang mga bagay na yan, guni-guni mo lang ang mga yan, sa tagal ko na dito wala pa ako ni isang nararanasang ganyan", pakli ni Aling Adora, ang ina ni Erika.

"Siguro nga, guni-guni ko lang ang lahat. Pero, nay! narinig niyo ba ang balita diyan sa kabilang kanto, yung anak daw ni Mang Nestor ay sinapian ng duwende at ayon sa mga sabi-sabi ay nagustuhan daw ito kaya ayaw ng lubayan ng huli", patuloy na kwento ni Erika.

"Ano ka ba anak, may nakain lang siguro na bawal yun kaya nagkaganon. Kumain ka na diyan at matulog pagkatapos mong ligpitin ang pinagkainan natin. At wag kang maniwala sa mga kwento-kwento tungkol sa mga dwende dwende o kung ano mang kababalaghan diyan. Gawa-gawa lang ng ibang tao yan upang makapanloko  at magkapera", mariing di pagsang-ayon ni Aling Adora sa mga sinsabi ng anak.


**********
Matapos niyang ligpitin ang mga pinagkainan at makapaligo, nagpahinga siya sandali at nanood ng TV. At habang nanonood ay biglang bumukas ang kanilang pintuan, inakala niyang hangin lang ang nagbukas at naalala niya na hindi ito masyadong naisara kanina ng siya'y dumating. Tumayo siya at isinara ang pintuan. Kitang kita pa niya ang ilang mga bata na naglalaro ng taguan sa labas ng bahay ng kanyang Tiya Eden. Pagbalik niya upang ipagpatuloy ang pinapanood na palabas ay bigla siyang napaigtad ng may mapansin ang kanyang mga mata mula sa bintana. Kitang kita niya ang dalawang maliliit na nilalang na nakaupo sa isang sanga ng punong Mangga sa labas ng kanilang bahay. 


Biglang tumayo ang kanyang mga balahibo. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita at sa sobrang takot ay kaagad niyang kinuha ang remote control ng TV at kaagad itong inOFF at saka tumungo sa kanyang kwarto ng nagmamadali. 


**********
Sa loob ng kwarto, alumpihit siya sa kanyang higaan. Dahil kahit anumang pilit niyang ipikit ang kanyang mga mata ay di siya makatulog. Muli niyang tiningnan ang kanyang relo. Alas Dose. Dalawang oras na pala ang lumilipas simula ng makita niya ang eksenang halos ayaw pa rin niyang paniwalaan. Muli siyang pumikit sa pag-asang makakatulog na rin, subalit ilang segundo pa lang ang na naipipikit niya ang kaniyang mga mata nang may makita  siyang liwanag mula sa labas ng kanyang bintana. Dagli siyang tumayo hindi upang tingnan ang liwanag mula sa labas kundi upang ibaba ang kurtina na nakalimutan niya gawin dala ng sobrang takot. At ng ibababa na niya ang kurtina ng kanilang bintana ay nakita ng dalawa niyang mga mata, na ang liwanag sa labas ay nagmumula sa kanilang hardin. 


Sa hardin ng kaniyang ina na malapit sa puno ng Mangga. At sa tabi ng puno ay may isang umbok na lupa. Bigla niyang naisip ito marahil ay isang....PUNSO. Ang umbok na lupa na kamakailan ay kanyang sinira, ay isa palang punso. Ang bahay ng dalawang dwende na kanyang nakita kani-kanina lamang. 

Lalo siyang kinabahan at natakot...

-itutuloy-


DISCONNECTED
"You're line is disconnected. Please settle the exact amount of your billings for you to continue our service"

Biglang umusok na parang toro ang ilong kong pango after marinig ang mga katagang yan sa isang customer representative ng Taiwan Mobile, ang aking internet provider. 

Anak ng....

After kong magbayad ng isang milyong bounce check para sa isang taong serbisyong totoo, ito ang mapapala ko, ang maputulan ng titi connection. Mga walanghiya kayo ipapasalvage ko kayo kay Mayor Lim. Joke lang. 


Dahil sa inyo 3 araw akong walang internet, walang FB, walang tweet, walang spankwire, kill me na kaya. At dahil din sa inyo 3 araw akong walang bate post at kinailangan ko pang magrent ng 10NT dollars/30mins para mafill-up'an ang biodata application form para sa SBA(Saranggola Blog Awards), well, at least nakahabol naman ang entry ko na may pamagat na Carousel dati, kaso kelangan pala tagalog kaya ginawa kong Tiyubibo. Dahil kung hindi umabot, papatulian ko kayo sa isang daang Mang Kepweng na made in the Philippines. 

(Ayun sa sobrang takot na matulian, ibinalik ang connection ngayon at exactly 12:23:36.3476cotangent 60 ng hapon.)

Sa loob ng 3 days na iyon at kesa sayangin ko ang araw sa kahihintay sa pagbabalik ng PANDAY.....part 2, i tooked the bright side. Natulog ako ng maayos, tinapos kong basahin ang Chronicles of Ancient Darkness Book Five: Oath Breaker ni Michelle Paver. Nakapagreview ako sa ELECTRONICS ng konti at higit sa lahat i drenk may melk ferst (huh! Mommy D?) at naayos ko ang aking higaan. Yey! Five points Griffyndor! Ewan ko ba, siguro dala na rin ng unti-unti paglamig ng panahon, nakakasanayan ko ang magulong bed at parang feeling ko ang lambot lambot ng aking higaan kapag medyo magulo ang comforter ko na ang brand ay downy, kaya, dahil diyan.... salamat sa denorado rice (putek pati si Cristy Fermin sumisingit ng sponsor niya). 

And the saddest part within that 3 days..............hindiiiiiiiiiii akoooooo nakapaglabaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!

Maatim mo ba naman silang labhan....so young & innocent. Lolz!





TIYUBIBO


Pssstt! 
Bata!
Halika! Laro tayo!
Matagal na akong naghihintay sa'yo. 

Alam mo ba?
Marami na akong napasaya at nabigyan ng tuwa.
Marami na rin akong nasaksihan dito,
Alam mo ba yun?

Naging takbuhan lang naman ako...
Ng mga taong gustong sumaya.
Nang mga taong gustong makalimot kahit sandali sa mga Problema.
At siyempre ng mga batang kagaya mo.

Kagaya mo, na sa murang isipan at edad
Ay pinagkaitan ng tadhana
Pinagmalupitan. 
Inalila.


Halika! sakay ka na!
At sisiguraduhin ko sa bawat pag-ikot natin.
Isangdaan at isang tuwa ang iyong makakamtan.
Huwag ka nang matakot.

At 
Huwag ka na ring malungkot
Ako ito,
Ang iyong kaibigan...




Ang TIYUBIBO



(Ang entry na ito ay ang aking lahok sa kategoryang Freestyle Blog ng Saranggola Blog Awards 3)
TOP 1 daw ang BLOG ko!.....................................IN MY DREAMS.
Last week I signed to Alexa The Web Information Technology, pero hindi yung PRO, yung FREE lang. Well, for sure, alam na halos lahat ng blogger kung ano ito at kung ano mapapakinabangan dito. And because im so Gaya-Gaya Puto-Maya nakisali ako at nag-sign up kahit hindi ko alam kung ano ang mapapala ko dito.Lolz! Ay! meron pala, siyempre pamparami rin ng features na makikita sa blog kong kulay pula. Well, for those who dont know what this Alexa thing is, ito lang naman yung mag-aanalyze kung gaano kasikat ang iyong site, website, cellsite, site 1, site 2 at kung anu-ano pang site. Ito rin yung mag-rarank ng traffic sa site mo, kung umaabot ba ng South Luzon ang traffic sa Maynila, o kung may traffic bang nagaganap sa isla ng Mulanay,  kamustahin naman natin ang traffic sa EDSA, pasok Love Anover & everything. In short this Alexa, will rank your site world wide according to the traffic that you've made from a  reader or a visitor, sa tagalog....sa tagalog.....sa tagalog..... potah, hindi ko maiisip sa tagalog, ah! basta kung sa iskul, pag matalino ka top 1 ka, kung nasa tabi ka ng basurahan, amoy basura ka! joke!.


**********
So eto na nga! nang makuha ang code to embedd para sa site ko, eto ang lumabas. 


Syet! 26,638,428.......... ang pera ko sa bangko, yey!, papakain ako! papakain! papa! pa!........ 

"Tanga! yan ang ranking ng site mo", sabi ng aking konsensya. (oo, sumisigaw at nagmumura ang konsensya ko, hindi kase nag-safeguard.)

Lolz! 

Kung naging pera lang sana ang figures na yun libre ko kayong lahat ng tokneneng dyan sa may San Marcelino, sa may labas ng SM-Manila, o di kaya dun sa tabi ng Student Store corner Ayala Blvd. at kung gusto niyo pa, libre ko kayo ng lunch na may ipis flavor, diyan sa Maan's Carinderia sa may Zobel Street. 

Uy! di makarelate. 

Sa mga di makacatch up sa mga pinagsasabi kong walang wenta, asked niyo na lang ang katabi niyo ngayon, hihihihi!. 

Ang mga lugar at tindahan aking nabanggit ay makikita sa likod ng TUP-Manila, Left side ng PNU at right side ng ADAMSON U or kung di pa rin makita, i-google map nyo na lang, (zushial!)


**********
26, 638, 428. Meaning may nagtyatiyaga pa ring bumisita at may naniniwala pa rin sa mga pagpapapansin at pagbabate ko sa blog world. Meaning, natatrafiic din sila ng super, mega, devine, diamond, phenomenal, optimum, (star?) slight lang. Meaning, sumisikat na..........ang arawwww (umaga na pala!), sumisikat na pala ako ng  super, mega, devine, diamond, phenomenal, optimum, (star? ulit) mini slight lang. 

Salamat sa lahat, ng bumibisita (na kalimitan ay ako din lang! lols), dumadaan at nagsasabing ay "eto pala yun", sabay close agad. hahaha. Well, seriously, salamat, kahit isa lang akong alikabok sa mundo ng sapot, may time pa rin kayo na ako'y pansinin upang punasan at alisin ang nabubulok sa di nabubulok. (Greenvironment, ON!) Lol.

Imagine, all over the world daw yan. Hmmm...Ako na!

Kaso base sa aking bubwit, 26,638,427 lang daw yung legal na site kasama na ang youporn, spankwire at porntube. Hahaha. So paano nangyari na 26,638, 428 ang ranking ng site ko, hmmmm, malamang PERA nga yan, pera ko yan. :)

Anyways, sa lahat ng gustong makaLINKisan ang inyong pobreng abang (pobre na, aba pa) lingkod. Just link my dumpsite site and I linked you back, guaranteed or Call 0800-oh-tu-ten. At sa lahat ng nag-LINKed sa akin Salamat at Thanks!

Oh by the way eto pala ang blog site ko, www.tintadefilipinas.blogspot.com

Thanks!


**********

10.10.100 (The Double Tenth Day of Taiwan)
10.10.100

Yey! It's Double Ten once again. This day, the Republic of China (ROC) or the popularly known as Taiwan marks their centennial year, after Dr. Sun Yat Sen led to overthrew the China's Qing Dynasty. According to history, the Republican Era of China began with the outbreak of revolution on October 10, 1911, in Wuchang, the capital of Hubei Province, among discontented modernized army units whose anti-Qing plot had been uncovered. This would be known as the Wuchang Uprising which is celebrated as Double Tenth Day in Taiwan. Every year of this month & on this date, the Taiwan community, inside & out of the country come together to cheer the nation's National Day. 




**********
The Celebration Ceremony held in front of the Presidential Office Building on the morning of National Day is attended by ministers, returned overseas Chinese, foreign dignitaries and hundreds of thousands of people from around the country. The martial spirit of the armed forces is displayed to the nation in full regalia during the military review, and the climax of the day is the Presidential Address made to the nation.



The National Day Parade is the main event of the morning activities on Double Tenth, followed by a public parade including representatives of different professions as well as entertainment and folk performances. Evening events include the National Day Fireworks Display, which turns the night sky over the major cities of Taiwan into a dazzling explosion of color, and the elaborate National Day Concert, a perfect ending for the evening's events.



On the streets, the colors of the national flag capture the eye, and evening is given added luminosity by brightly lit ceremonial arches. 


**********


This year, to celebrate the ROC's 100th year anniversary, a mega centennial events have been planned based on three major keys including "Let Academia Interpret History", "Let Taiwan Behold the Future & "Show Taiwan to the World. This events will show's Taiwan's unimaginative nature sceneries, their precious & well preserved natural resources, the mouthwatering Taiwan delicacies & snacks and also the colorful cultures of this amazing island. 

In the evenings of Oct. 10th-11th, 2011, a splendid musical, “Dreamer”, will be performed together by local performers and celebrities at the Taichung City Fulfillment Amphitheater (Taichung Arena) to represent the core spirit of Taiwanese and harmonious cultures and societies, as well as the dreams of people.


**********
The character symbol of TEN in chinese is a plus (+) sign and is considered a powerful feng shui symbol. 



**********

HAPPY "DOUBLE TEN" DAY!!!
(Holiday na naman!)




Blog Widget by LinkWithin